Facebook

SK Chairman patay sa salpukan ng motorsiklo at truck

NAGA CITY – Patay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman nang makasalpukan ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang six- wheeler truck sa Barangay Tara, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joshua Cuenca, 23 anyos, ng Brgy. Caima sa nasabing bayan.

Sa impormasyon ng Camarines Sur Police Provincial Office, sakay ang biktima ng minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Northbound direction nang nakasalpukan ang truck na minamaneho ng isang Antonio Rosales, 47, nakatira sa Barangay Cambalidio, Libmanan.

Sa report, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na binawian ng buhay habang dinadala sa pagamutan.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ngf truck.

The post SK Chairman patay sa salpukan ng motorsiklo at truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SK Chairman patay sa salpukan ng motorsiklo at truck SK Chairman patay sa salpukan ng motorsiklo at truck Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.