Facebook

Bong Go: Probe sa COVID-19 fund use, ‘di dapat makahadlang sa pandemic response efforts

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na nagkakaisa o nagtutulungan ang Executive at Legislative branches ng gobyerno para sa iisang layunin na masugpo ang korapsyon, mabantayan ang pampublikong pondo at sa pagsisikap na malampasan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Idiniin ni Go na dapat ay isantabi ng mga pampublikong opisyal ang pagkakaiba at sa halip ay magsama para sa kabutuihan ng kanilang mga kinakatawan.

Sinabi ng senador nakahanda siyang mamagitan o umaktong tulay sa dalawang sangay ng pamahalan kaugnay ng kasalukuyang mga isyu para ito’y maisaayos.

“Ngayon, nasa public health emergency tayo, pandemya ang kalaban natin at hindi ang isa’t isa. Ito ang panahon ng pagtutulungan at pagbabayanihan. Huwag nating sayangin ang oras sa siraan at sisihan. Importante malampasan natin ang pandemya ito … We cannot afford to fail dahil buhay ang nakasalalay dito,” ang sabi ni Go.

“Ako naman, bilang isang senador, patuloy akong magiging tulay sa Pangulo. Pero siyempre, uunahin kong ipagtanggol ‘yung independence ng Senado, ng buong Kongreso, as a separate branch ng government at naiintindihan rin ‘yon ni Pangulong Rodrigo Duterte,” idinagdag niya.

Ani Go, sang-ayon siya sa ginagawa ng Senado ngunit kinakailangang itayming sa panahon.

“Hindi lang maiwasan minsan lalo na ngayon na palapit na ang eleksyon, mayroon pong mga… hindi lang masabi sa ngayon, (pero) maaaring gustong tumakbo…,” ani Go.

Isiniwalat ng senador na personal na lumapit sa kanya si Senate President Vicente Sotto III na nagsabing handang makipagharap kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Go, nakikipagtulungan ang Senado sa COVID-19 response at tiniyak niyang ganito rin naman ang sentimyento ng Pangulo, ang makapagpokus ang pamahalaan sa pagsupil sa pandemya.

“Gaya ng dati, kung mayro’n siyang (Sotto) gustong iparating, nakakarating naman kay Pangulo at nasasagot naman ‘yon … Mabuti ring magkausap sila nang diretsahan para hindi lang ‘yung nakukuha sa news reports at hindi nagkakaintindihan … Parehas naman tayong mga Pilipino. Bukas din si Pangulong Duterte anytime sa pag-uusap para maliwanagan,” sabi ni Go.

Ipinunto ni Go, chairman ng Senate Committee on Health, kinakailangan ay palaging bukas ang komunikasyon sa pagitan ng concerned officials at mambabatas para maresolba ang mga isyu, imbes na pinagagalitan o binu-bully ang mga resource persons sa pagdinig sa Senado.

Inihalimbawa niya ang isyu sa non-disclosure agreements na ni-require ng vaccine manufacturers kung kaya hindi mailantad o masagot-sagot ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Senate hearings.

Ngunit sa isang private discussions, kasama si SP Sotto at iba pang senador ay nagawa namang linawin ni Galvez ang isyu na nagresulta rin upang maresolba kapwa ng dalawang sangay ang tungkol sa vaccine procurement.

“Ang importante rito walang pagdududa ang publiko at walang pagdududa ‘yung Senado sa ginagawa ng Executive. Kung maaari sana ay lagyan na lang natin ng clause. Halimbawa, may oversight function naman ang Kongreso. May representative ang Senado at Lower House para tingnan kung paano ginagamit, saan napunta ‘yung pondo, sinong bumili para maiwasan na ‘yung dudahan,” paliwanag ni Go.

“‘Yung problema katulad nitong sa COA is procedural palang ito. So, ibig sabihin, pwede pang i-rectify. Ang nangyayari, nagkakaroon kaagad ng husgahan … papaano gagalaw ang DOH o iba pang departamento kung gano’n ang mangyayari?” aniya.

Nanawagan ang senador na sa patuloy na pagsisiyasat ay hindi dapat ikompromiso o hadlangan ang pagpapatupad ng mga programa sa pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Sa ngayon, takot ang nasa Executive gumalaw. Takot silang bumili, takot nang pumirma dahil naiipit sila. So, sinong magsa-suffer dito? Sinong mahihirapan dito? ‘Yung mga kababayan natin na umaasa ng pondo at serbisyo ng Executive Department,” idiniin ng senador.

The post Bong Go: Probe sa COVID-19 fund use, ‘di dapat makahadlang sa pandemic response efforts appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Probe sa COVID-19 fund use, ‘di dapat makahadlang sa pandemic response efforts Bong Go: Probe sa COVID-19 fund use, ‘di dapat makahadlang sa pandemic response efforts Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.