Facebook

Isyu sa halalan

APAT ang pangunahing isyu sa kampanya sa pampanguluhang halalan sa 2022. Malamang na ang mga isyung ito ang pag-uusapan. Mahalaga ang bawat isa kaya kahit alin ay maaring pag-usapan. Mahihirapan ang kandidato ng Grupong Davao na sagutin ang mga isyung ito. Mahihirapan sumali ang mga pekeng oposisyon na makisawsaw sapagkat mahahalata ang kanilang paninindigan kung malabnaw o totoo.

Unahin natin ang isyu ng pagsugpo sa pandemya. Biglang dumating ang isyung ito noong Enero ng nakaraang taon. Bagaman matindi ang public pressure na isara ang hangganan ng bansa sa mga turista, hindi agad kumilos ang gobyerno. Pinapasok ang mga turista mula sa China – ang Wuhan City, ang lugar ng pinanggalingan ng Covid-19 virus. Madaling kumalat ang virus dahil sa kapabayaan at kamangmangan ng mga nasa gobyerno.

Mistulang seesaw ang pandemya. Minsan bumababa ang bilang ng mga nagkakasakit, ngunit biglang tumataas lalo ng nagkaroon ng mga variant ang virus. Sa nakaraang 20 buwan, hindi kinakitaan ng galing, gilas, at tikas ang gobyerno sa pagsugpo ng pandemya. Umabot sa mahigit sa P1.5 trilyon ang inutang upang mapigil ang pandemya, ngunit bigo ang gobyerno. Dumami ang bilang ng mga nagkakasakit. Hindi maawat kahit ano ang gawin ng gobyerno. Limitado ang mass testing at walang contact tracing. Hindi prayoridad ng gobyerno.

Hindi alam ng gobyerno ang gagawin. Walang malinaw na hangarin upang masugpo ang pandemya. Hindi mapigil ang pandemya ng mga ipinataw na regulasyon. Sa huli, nabisto ang liderato na naghanapbuhay at pinagkitaan ng ilang may koneksyon ang pagbenta ng mga gamit sa pandemya. Hindi lang iyan, inupuan ni Fracisco Duque III, isinusukang kalihim ng DoH, ang pag-angkat ng mahigit 10 milyon doses ng bakuna ng mga pribadong sektor.

Pangalawang usapin ang laganap na korapsyon sa gobyerno. Tinatayang aabot sa P1 trilyon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa korapsyon. Hindi biro ang korapyon ngayon. Kung noon nasa milyon ang ninakaw, ngayon, nasa bilyon ang labanan. Isang halimbawa ang nangyari sa DoH na gumastos ng P8.5 bilyon sa Pharmally, isang kumpanyang hindi kilala at may capital ng P625,000 lamang. Walang maniwala na hindi ninakaw ang nawalang pera.

Mahirap sa kandidato ng Grupong Davao na ipaliwanag ang nawalang pondo ng bayan ng korapsyon. Kung kalibre ni Herminio Roque ang magpapaliwanag, mistulang sinabi na talo ang kandidato ng Grupong Davao na maaring si Bong Go o Sara Duterte. Walang atraksyon ang mga kandidatong itinuturing na mga pekeng oposisyon. Hindi sila mananawagan na ikulong ang mga alipures ni Rodrigo Duterte. Tanging ang tunay na oposisyon ang magsasabi na ikulong si Duterte at mga kasapakat sa karumal-dumal na krimen ng pandarambong.

Hindi nalalayo ang usapin ng West Philippine Sea at ang sapilitang pagpasok ng Tsina sa ating teritoryo kung saan gumawa sila ng base militar sa mga isla. Ito ang pangatlong isyu at itinuring na kataksilan sa bayan ang lantarang pagkampi ni Duterte sa Tsina. Mahirap lunukin ang kandidato ng Grupong Davao. Tatak na “taksil sa bayan” ang dala nina Bong Go at Sara. Hindi mabubura sa isip ng mga botante ang ganitong tatak. Isinusumpa ang mga taksil sa bayan.

Halata ang mga pekeng oposisyon sa kanilang malamig na paninindigan sa usapin ng West Philippine Sea at pananatili ng Tsina sa ating teritoryo. Hindi sila naglalabas ng kanilang baraha pagdating sa Tsina. Hindi maalis ang hinala na suportado rin sila ng Tsina.

Pang-apat pero hindi nahuhuli ang usapin ng madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Maski noong kampanya ng halalan ng 2016, ipinangako ni Duterte ang malawakang pagpatay sa mga sangkot umano sa ilegal na droga. Ito ang kanyang plataporma de gobyerno. Ginawa niya ang pangako at tinatayang sa pagitan ng 16,000 hanggang 30,000 ang pinatay na adik at pusher sa pagitan ng 2016 hanggang 2019. Hindi itinuturing na bahagi ng maayos at disenteng patakbo ng gobyerno ang pagpatay sa kapwa.

Ito ang dahilan at nagharap ng sakdal na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) si Sonny Trillanes at Gary Alejano laban kay Duterte at mga kasapakat. Kumilos ang sakdal at hindi alam ng kampo ni Duterte ang gagawin. Baluktot ang katwiran ni Roque at hindi rin alam kung ako ang isasagot. Maaaring bumaba anumang oras ang utos ng ICC para sa isang pormal na imbestigasyon sa sakdal.

May mga pagtatangka na sumakay sa isyu. Nais nilang kasali sila ngunit ang totoo, si Trillanes at Alejano ang dalawang nanguna sa sakdal na isinumite sa ICC noong 2017. Isinampa ang sakdal habang tinatamasa ni Duterte at mga kasapakat ang kapangyarihan. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa sakdal, ngunit mukhang matatauhan sina Duterte.

***

HINDI maintindihan kung ano ang gustong palabasin ni Duterte sa kanyang batikos kay Dick Gordon. Kung gusto niyang mahubaran si Gordon sa publiko, pinakamaganda ang maghain siya ng sakdal na pandarambong laban kay Gordon sa hukuman. Kung magaling si Duterte, gayahin niya si Sonny Trillanes na naghain ng demanding pandarambong laban kay Gordon sa husgado.

Hindi audit ng Philippine Red Cross ang dapat kasi hindi naman puede iyon. Hindi sangay ng gobyerno ang PRC. Kaya, mintis ang upak ni Duterte. Hindi maaalis-alis sa isip ng mga tao na palabas, or zarzuela lang ang mga sinabi ni Duterte. Hindi siya seryoso kasi hindi naman sila magkatalo. Pareho silang kampi sa EJKs kahit na chair si Gordon ng PRC.

***

“THE saving grace of the PHL economy in these days of the pandemic and economic recession is the underground economy. Enterprises that don’t issue receipts, don’t pay taxes, and are not registered provide income for the simplest of our people. It has been estimated that at least 40% of the PHL economy is part of the informal sector. It is regarded to be quite agile and resilient to counter the vicissitudes of the world economy.” – PL, netizen

“The Davao mafia has been in power since 2016. Hindi sila ngayon lang nangungarakot… Customs smuggling/drugs, BuCor GCTA, NFA, infra, BI pastillas, POGOs, AFP Modernization, PCSO STL, 3rd Telco, business extortions, PhilHealth, COVID response…” – Sonny Trillanes

“True, the gov’t couldn’t audit the Phil. Red Cross. The PRC is a non-government organization whose job it to save lives. But Dick Gordon, PRC chair, has been an enabler of Rodrigo Duterte as he has supported those EJKs as part of his bloody but failed war against drugs . In fact, Dick Gordon is Duterte’s co-defendant in the crimes against humanity charges, which Sonny Trillanes and Gary Alejano have filed before the ICC. The International Red Cross should kick out Gordon. How could the International Red Cross countenance the presence of a local chair, who faces crimes against humanity before the ICC and who believes in EJKs, when its advocacy, mission, and job is to save lives in times of war, disasters, and natural and man-made calamities. Gordon is a misfit to remain as Phil. Red Cross chair. Duterte does not know what he was saying. He has gone mad. Two misfits in Duterte and Gordon.” – George Sta. Ana, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Isyu sa halalan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isyu sa halalan Isyu sa halalan Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.