Facebook

Mayor Joy kinalma ang sektor ng tatlong gulong

BUNGA nang patutsada ng isang konsehal na walang ibubunga na maganda ang ipatutupad na ‘no contact policy apprehension’ sa mga lumalabag sa batas trapiko, at pangunahing kakawawain ng ordinansa ay mga tricycle driver ng Quezon City, agad pinaklalma ni Mayor Joy Belmonte ang sektor ng tatlong gulong sa lungsod.

Sa ipinatawag na pulong ng mayora, naipabatid sa mga tricycle driver sa lungsod na tinatayang nasa isang daang libo katao ang miyembro ng sektor na ito, na ang mga iningangawa ng konsehal na dati pang kongresista, ay pagiingay lamang dahil sa papalapit na halalan sa susunod na taon na halos siyam na buwan na lamang.

Paliwanag ni Mayor Joy, ang pag-amyenda sa Traffic Code ng lungsod ay nararapat lamang at napapanahon upang ang lahat ay magkaroon ng disiplina sa pagsunod sa batas trapiko. Ang pagsasama ng ‘no contact apprehension’ sa dati ng ordinansa, ay gagamit ng mga Close Circuit TV (CCTV) at idadaan ang mga paglabag sa batas trapiko sa pamamagitan ng koreo o pagpapadala ng abiso sa nakagawa ng paglabag.

Hindi raw dapat minamadali ang ganitong pag-aamyenda sa ordinansa, ang pagtutol ng maingay na konsehal, na hindi man lamang miyembro ng komite sa transportasyon na gaya ng namumuno ditong si Konsehal Ramon “Toto” Medalla.

Hindi naman talaga minamadali, kaya nga nagpatawag ng pulong si Mayora kasama sina Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader na si Konsehal Franz Pumaren at si Konsehal Toto Medalla upang plantsahin ang mga problemang maaaring harapin ng mga motorista partikular na ang sektor ng tatlong gulong.

Kumalma ang sektor ng tatlong gulong ng marinig ang mga paliwanang ng mga opisyal na nabanggit at nalamang ang konsehal na tumututol sa pagbabago ng batas trapiko ng lungsod ay nanggugulo lamang at nais makaungos sa pamumulitika kahit na wala sa hulog ang mga binibitawang pagtutol.

Bukod sa pagpupulong, naka-ilan din publc hearing ang naipatawag ng konseho sa pamumuno ng komite ni Konsehal Medalla upang marinig ang lahat ng apektadong motroista kabilang na ang lahat ng driver ng lahat ng klaseng sasakyan.

Ang dating kasi ng ngakngak ng papoging konsehal, ang sektor ng tatlong gulong ang pinaka-agrabiyado sa pagbabago ng batas trapiko ng lungsod.

Kaya ang paiwan na salita ni Konsehal Toto Medalla sa mga lider ng tricycle drivers, “huwag makikinig sa kung sinu-sino, kami ang kausapin ninyo dahil wala kaming masamang intensiyon sa pagpasa ng mga batas o ordinansa na magiging kapaki-pakinabang para sa lahat.”

Nagpalakpakan ang lahat na dumalong lider ng sektor ng tatlong gulong at nagpahiwatig na hinding-hindi na sila pabobola sa papoging konsehal na matapos maging kongresita ay bumalik pa bilang konsehal na alam nilang pagkakamal lamang ng yaman galing sa kaban ng bayan ang nais nito.

The post Mayor Joy kinalma ang sektor ng tatlong gulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Joy kinalma ang sektor ng tatlong gulong Mayor Joy kinalma ang sektor ng tatlong gulong Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.