Facebook

MGA KAWATAN SA MAKATI TRAFFIC SECTOR IMPOUNDING AREA

ANG buong akala ko, sa mga may masasamang kalooban lang sa labas uso ang pagnakawan ang mga kawawang naaaksidente.

Uso din pala sa impounding area ang ganitong klase ng nakawaan.

Ilan sa mga kababayan natin ang nagtanong sa inyong lingkod kung tama po ba na pagnakawan ang mga nakaimpound na sasakyan sa Makati Traffic impounding area matapos na sila ay maaksidente.

Anila, ang inaakala nilang “for safe keeping”dahil nga involved in accident ang kanilang behikulo ay maiingatan at hindi na madaragdagan pa ang kanilang problema.

Gaya ng isang NMAX at SNIPER motorcycle na nagkaroon ng malaking bangga sa harapang bahagi na kung tatantiyahin ay mula 20 to 30 percent ang damage ng motorsiklo.

Ngunit nung bisitahin o puntahan ng mga kaanak ng mga biktima ang nasabing sasakyan sa nasabing impounding area, laking dismaya ng mga ito sa nakitang nangyari sa motorsiklo.

Kinahoy na ito ng kung sinong mga demonyo sa loob mismo ng Makati Traffic Impounding Area.

Halos hubad na ito. Ibig sabihin kung ang damage ng motorsiklo mo ay nasa 20% to 30% lang noon mukhang naumentuhan pa.

Lumalabas na 70% to 80% ang nakahoy ng mga taong magnanakaw sa impounding area.

For safe keeping nga bang matatawag ang ganito na halos skeletal na lang ang motorsiklo mo matapos mawala sa loob mismo ng impounding area ang mga mamahaling piyesa at accessories ng naturang sadakyan?

Sino ba ang dapat managot sa ganitong sitwasyon?

Ang imbestigador ba na mismong humahawak sa kaso ng aksidente o ang hepe mismo ng impounding area ng Makati Traffic Bureau?

Kung sayo nga naman mangyari ang ganito imbes na alalayan ka dahil biktima ka ng isang aksidente mukhang pinagnakawan ka pa.

Tantamount to qualified theft ito dahil tiwala kang “for safe keeping ” talaga ang purpose kung kaya sa impounding area pansamantalang inihabilin ang iyong sasakyang involved in accident.

Attention Col Depositar ng Makati PNP, mukha pong may malikot at makati ang kamay sa Makati Police Traffic Sector sir!

Paki palo nga po or putulan ng kamay ng hindi na makapangbiktima pa! Makonsensiya naman sana ang mga taong ito!

Ang kasong ito kung makakarating sa korte ay walang piyansang ipagkakaloob dahil “qualified theft” nga babagsakan.

Yan ay kung tototohanin ni Col.Depositar ang isasagawang imbestigasyon laban sa mga namamahala sa impounding area ng Makati Police Traffic Sector.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post MGA KAWATAN SA MAKATI TRAFFIC SECTOR IMPOUNDING AREA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA KAWATAN SA MAKATI TRAFFIC SECTOR IMPOUNDING AREA MGA KAWATAN SA MAKATI TRAFFIC SECTOR IMPOUNDING AREA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.