Ni WALLY PERALTA
EARLY part pa ng taon 2021 nang sumabog ang balitang mag-oober da bakod na rin si Lovi Poe sa Kapamilya Network.
Isa rin kasi ang pangalan ni Lovi sa napasama noon sa mga Kapuso na lilipat na sa Kapamilya. Una na nga si Janine Gutierrez, ang isa pa ay si Sunshine Dizon at ang huli nga ay si Lovi. Nakalipat na ang dalawa at may serye na nga silang ginawa na magkasama, ang ‘Marry Me, Marry You’ kasama rin ang dati rin Kapuso actor na si Paulo Avelino.
Nanahimik ang kampo ni Lovi sa kabila ng di mamatay-matay na tsika na mas tumindi pa ng sa halos pagkarami-raming proyekto ng GMA-7 ay wala ni isa man sa mga proyektong ito nakasama si Lovi.
Kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon si Lovi at magsisimula na mag-shooting ng international film nila na isang bio movie, ang “The Chelsea Cowboy”.
Kamakailan ay nagpost si Lovi ng ilang linya sa kanta ni Adele na ‘Right and Rain’. Narito ang litanya sa naturang kanta na pinost ni Lovi.
“Cause when hard work don’t pay off and I’m tired. I’ve cried my heart out and now I’ve had enough of.”
Dahil dito ay lalong umugong ang balitang sa pagbabalik bansa ni Lovi ay magiging Kapamilya star na rin ang aktres. Dagdag pa rin dito ang bulong-bulungan na let go na raw ang byuti ni Lovi kasi kahit may offer na nilatag ang Kapuso sa kanya ay tila hindi raw interesado ang aktres.
Ang tsika ngayon, kung tatlong Kapuso aktres na ang lumipat kahit ang ikatlo ay maugong na tsika palang, sa Kapamilya Network, sino naman kayang ika-3 o marahil higit pa, remember ang sinabi ni Mister M na halos 5 malalaking artista pa rin ng Kapamilya ang nais na sumama sa kanya sa Siyete kasunod nina Bea Alonzo at Beauty Gonzales?
***
HINDI pinalagpas at inalmahan ng mister ni Angel Locsin na si Neil Arce ang pahayag ng isang director-general ng Presidential Communications Office-Philippine Information Agency, sa naging tugon nito sa isang post ni Angel sa social media na ihayag ang kanyang pananaw para sa realization ngayong pandemic at ang kanyang pagpupugay sa mga health workers.
Sa tugon ng naturang director general ay nabanggit nito na “no brain cells” ang aktres, na hindi naman maganda ang dating para sa hubby ni Angel.
“Mukhang sobrang tapang mo sa Facebook sir. I respect your political stand and your opinions but insulting my wife personally is a bit off,” ani Neil.
At para kay Neil, hindi katanggap-tanggap ang komento at hinamon pa niya ito na magharap sila. Hindi naman tuwiran sinagot ng director general ang suhestyon ni Neil, nanindigan pa rin ito sa naunang pahayag.
“Tungkol naman sa brain cells, I stand by what I said. How do we survive as a society without police force and business folks? May nagsabi pang figure of speech lang daw yung sinabi ng artista. Pano? Suntukan na lang? O patayan? Ayaw nila EJK diba?”
The post Neil nabadtrip sa opisyal ng PCO-PIA nang insultuhin ang misis na si Angel appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: