Facebook

“On The Job: The Missing 8” tampok sa 78th Venice Film Festival

Ni ARCHIE LIAO

MAGKAKAROON ng world premiere ang pelikulang “On The Job: The Missing 8” ni Erik Matti sa ika-78 edisyon ng Venice International Film Festival na gaganapin sa Italya mula Setyembre 1 hanggang 11.

Sa okasyon ng Philippine Film Industry Month, ang nasabing sequel sa acclaimed crime thriller na “On The Job”ay makikipagtunggali para sa Golden Lion award, ang pinakamataas na karangalan sa Venezia 78 Competition na kasali ang dalawampung iba pang kalahok.

Ang Academy Award Best Director na si Bong Joon-ho ng multi-awarded South Korean film na “Parasite” ang magiging punong hurado ng kompetisyon.

Ang obrang ito ni Matti ay tumatalakay sa kuwento ng isang corrupt na media man na ginagampanan ni John Arcilla na naghahanap ng katarungan sa pagkawala ng kanyang mga kapwa mamamahayag.

Sa kanyang imbestigasyon, magkukurus ang landas nila ng isang inmate-hitman na binibigyang buhay ng Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Dante Rivero, Christopher De Leon, Lotlot De Leon, Leo Martinez, Joey Marquez, Eric Fructuoso, Vandolph Quizon, Agot Isidro, Sol Cruz, Wendell Ramos, Lao Rodriguez, Andrea Brillantes, Isabelle De Leon, Megan Young, Levi Ignacio, at Carlitos Siguion-Reyna.

Sa Setyembre 12 naman ang unang tatlong episodes ng six-part HBO Asia Original series na “On The Job” ay eksklusibong mapapanood sa HBO GO, na ang mga bagong episodes ay ipalalabas tuwing Linggo.

Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) FilmPhilippines Film Location Incentive Program (FLIP) recipient at Epicmedia Productions, Inc. partner, na “Electric Child” ni Simon Jaquemet at “Plan 75” ni Chie Hayakawa, isang Japan-France-Philippines co-production, ay lalahok sa Venice Gap-Financing Market, isang plataporma na layuning suportahan ang  European at international producers na makakuha ng grants sa  kanilang mga proyekto.

“The participation of Matti’s ‘On the Job: The Missing 8’ in Venice commences the very first celebration of the Philippine Film Industry Month. We are proud and honored to be a part of this triumph which will inspire our hopeful Filipino filmmakers and significantly elevate the industry, further promoting the advocacy of the agency,” ani FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Sa Setyembre 9 naman, ang FDCP ay nakatakdang magpasinaya ng On The Job Cocktails, Philippines Production Table and Spot on Screens at the Venice Production Bridge, and the Panel Discussion “From the Philippines to the World: The On The Job Franchise and Exploring New Ways of Global Content Distribution” sa Venice na ang  Venice Film Festival Programmer Paolo Bertolin ang magsisilbing moderator kasama ang “On The Job” director Matti at producer Dondon Monteverde bilang  panelists.

The post “On The Job: The Missing 8” tampok sa 78th Venice Film Festival appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“On The Job: The Missing 8” tampok sa 78th Venice Film Festival “On The Job: The Missing 8” tampok sa 78th Venice Film Festival Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.