Ni WALLY PERALTA
PAGDATING sa kanyang karir, may mood ang ating Megastar Sharon Cuneta, tulad na lang this year na in time of pandemic, at marahil sa pagtabo sa streaming ng movie niyang ‘Revirginized’ ay nasa movies ngayon ang focus ni Ate Shawie, feel ngayon na gumawa pa ng mga movies, hindi lang isa basta maraming movies to come kahit siya na mismo ang maging producer ng kanyang pelikula.
Sa kanyang social media account, ipinarating ni Sharon ang kanyang feel gawin ngayong taon pagdating sa kanyang showbiz career.
“I just want to make movie after movie after movie!!! I’m in movie mode now. I have my ‘seasons.’ Sometimes all I want to do is TV. Sometimes all I want to do is sing, make new albums and do concerts.
Now I am in my movie season and I cannot wait to film because not doing so is driving me up the walls! Kahit ako na mag-produce,” saad ni Sharon.
Patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang streaming ng movie ni Sharon kasama si Marco Gumabao sa Vivamax at patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga moviegoers. Tsikang dahil sa success ng pelikula at dahil na rin sa tanggap ng kanyang mga supporters ang hakbang ni Ate Shawie sa pagpalit ng image o paggawa ng masasabing ‘wild film’ para sa Megastar ay tila may plano na ang Viva Films na gawan na ito ng part 2 at napag-usapan na raw din ng management at ni Sharon ang tungkol dito. Malamang by next year na ito magawa.
***
AGAW-pansin ang byuti ni Claire Castro sa afternoon serye ng GMA-7 na ‘Nagbabagang Luha’ na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Kahit isang baguhan sa industriya ay hindi nagpatalbog ang kanyang byuti pagdating sa aktingan.
Marami ang nakapupuna na lumalaban na nang sabayan pagdating sa acting skill si Claire. Damang-dama ng mga televiewers ang pagiging mean ni Claire sa buhay ng kanyang kapatid sa serye na si Glaiza. Remake for tv at isang pelikula ang ‘Nagbabagang Luha’ na papel dati ni Alice Dixson ang karakter ni Claire.
Maraming naiinis kay Claire sa kanyang pagiging kontrabida, pero sa tunay na buhay ay isang simpleng tao si Claire.
“Well, as Claire po, masu-surprise po kayong malaman na very comfy lang po talaga ‘ko manamit, very mahinhin, a little bit opposite po sila ng aking karakter sa serye na si Cielo. I like being comfortable also but I like being challenged, especially po which is very daring, very sexy,” say ni Claire.
Isa rin kasi sa bentahe ni Claire ay ang kanyang magandang hubog ng katawan at makinis na kutis, bukod pa sa kanyang lovely face. Kung kaya sa ngayon palang ay marami ang nagsasabing si Claire na nga ng maituturing na bagong pantasya ng bayan.
“I’m not sure what ‘pantasya’ means po, but thank you, whatever it means. Thank you po sa inyong lahat na nanonood, na-appreciate ko po ‘yung comments, negative or not,” dagdag na say pa ni Claire.
The post Claire bagong ‘Pantasya ng Bayan’; Sharon feel gumawa ng maraming pelikula appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: