Facebook

After ma-postponed ng 4 beses.. Kris at Perry wedding tuloy na sa Sept. 25

Ni JOVI LLOZA

FINALLY, tuloy na rin ang kasal nina Kris Bernal at fiance na si Perry Choi.

Apat na beses na nga na-postponed ang date ng kasal ng dalawa.

Kung dati ay engrande ang plano, ngayon ay may pagbabago at hindi na nga engrande.

Magiging simple na nga lang ang kasalan nina Kris at Perry ayon na rin sa vlog ng aktres.

Sa Makati Magallanes Church naman ang wedding nina Kris at Perry.

Kung dati ay urong-sulong dahil sa pandemya kaya di alam kung kailan talaga ang kasalan.

Sa vlog ng aktres eh sinabi nito na napagpasyahan na nilang magdyowa na this coming September 25 na ang kanilang kasal.

Bago pa man napagkaisahan ang petsa ay 4 times na naurong at na-postponed ang pagpapakasal nina Kris at Perry.

Magiging simple na lang ang magaganap na kasalan ng couple at okey lang kay Kris kung maging pandemic wedding ang kasalan nila ng kanyang fiance ngayon September.

***

Mygz Molino hinihintay ang pagsasalita sa pagkamatay ni Mahal

SI Mygz Molino ang kasa-kasama at partner ni Mahal sa kanilang vlog at hanggang magklik ito sa netizens.

Never naman iniwan ni Mygz si Mahal hanggang sa huling sandali nito at ayon sa sitsit na never daw makausap ng pamilya niya si Mygz at lagi lang daw ito humahagulgol.

Hindi pa nga niya tanggap ang pagkawala ng partner at grabe raw iyak nito nang i-cremate na si Mahal.

At matic naman kapag sa Covid namatay ay cremation na agad at dahil sa restrictions ay wala na ngang burol na naganap.

Hinihintay naman ng kanilang followers na magsalita na ito at ano nga ba ang katotohanan ng pagyao ni Mahal.

Nakamukmok at iyak lang nang iyak si Mygz at sinisigaw ang name ni Mahal at ayaw pa kumain ayon pa sa sitsit.

Dagdag sitsit pa na kailangan na mag-home quarantine si Mygz lalo na’t nagpositibo si Mahal sa Covid-19 at lagi niya itong kasama.

Kaya naman humihingi ng dasal ang kaanak ni Mygz na wala sana itong Covid.

Sabik din nga ang netiizens sa pagsasalita ni Mygz regarding sa nangyari lalo na’t sa lugar nila sa Batangas naabutan ng kamatayan si Mahal.

Ano nga ba ang tunay na nangyari? Basagin na kaya ni Mygz ang kanyang katahimikan?

Well, well, well…’Yun na!

The post After ma-postponed ng 4 beses.. Kris at Perry wedding tuloy na sa Sept. 25 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
After ma-postponed ng 4 beses.. Kris at Perry wedding tuloy na sa Sept. 25 After ma-postponed ng 4 beses.. Kris at Perry wedding tuloy na sa Sept. 25 Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.