Ni ROMMEL GONZALES
DALAWA sa mga tinitingalang institusyon sa TV at pelikula ang magsasama para sa isang malaki at espesyal na anthology series na aabangan ngayong taon.
Handog ng GMA Network at Regal Entertainment, Inc. ang ‘Regal Studio Presents,’ na maghahatid ng mga bago at napapanahong TV specials kada linggo.
Para sa premiere episode ng nasabing proyekto, tampok ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa “That Thin Line Between.” Ito rin ang magsisilbing unang on-screen tambalan ng dalawa.
Sa kuwento, gaganap sina Ken at Sanya bilang magkapitbahay na accountant at online seller na mahilig magbangayan dahil magkaiba ang kanilang mga paniniwala at ugali.
Bukod dito, excited na rin ang mga fans sa iba pang offerings ng ‘Regal Studio Presents’ na pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso love teams tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos or ‘GabLil’ at sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng ‘Team Jolly.’
Huwag palalampasin ang mga nakakaantig na istorya na handog ng Regal Studio Presents sa two-part primetime premiere nito sa September 11 and 18 at 8:30PM, bago lumipat sa regular
***
Glaiza type makatrabaho ulit si Marian
HINDI napigilan ni Glaiza de Castro ang magkuwento nang malalim na pinagsamahan nila ni Marian Rivera noong batiin niya ito sa “DongYan Funcon” event ng GMA Pinoy TV.
Aniya, mula pa noon ay magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa matapos nilang magkasama sa Amaya, Tweets for my Sweet, at Temptation of Wife.
“Nagsimula ‘yung ‘Bai’ no’ng ginawa namin ‘yung Amaya so ‘Bai’ means sister at every scene ginawa namin ‘yun, ‘Bai’ na ‘yung naging tawagan namin kasi I consider her as my sister,” share ni Glaiza.
Hindi naman nag-deny ang Kapuso Primetime Queen sa sambit ni Glaiza at malaki raw ang pasasalamat niya na naging magkaibigan sila.
“Siguro isa sa mga naging thankful ako is naging kaibigan ko talaga si Glaiza kasi isa ‘yan sa kahit hindi kami magkita o magtext nang mahabang panahon pero ‘pag nagkita kami n’yan, parang kakikita lang namin,” ani Marian.
At ang wish nilang pareho ay sana magkatrabaho sila ulit.
Marami pang ihinandang surprise ang GMA Pinoy TV para sa Kapuso abroad. At nitong September 1 nga lang ay si Bea Alonzo naman ang nakasama nila sa isang masayang FunCon online.
***
Alice Dixson natuwa sa mas maagang timeslot ng ‘Legal Wives’
Masaya ang Kapuso actress na si Alice Dixson sa mas pinaagang timeslot ng hit family drama series na ‘Legal Wives.’
Marami ang natuwa na napapanood na ang Legal Wives pagkatapos ng 24 Oras simula nitong Lunes, August 30.
Ani Alice, “Natutuwa kaming lahat because an earlier timeslot also means more viewership. Nagpapasalamat kami sa mga nanonood ngayon at sa mga sumusubaybay. Napakaganda ng reactions and comments.”
Pahayag pa ng aktres, mas kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa serye kaya’t dapat na tumutok ang mga manonood.
“Ismael is now trying to balance. Nagbabalanse siya kung paano makisama sa dalawang asawa, paano mamuhay nang tahimik or at this point, hindi matahimik with two wives,” paliwanag ni Alice.
GMA at Regal magsasanib-puwersa para sa biggest telemovie collaboration ng taon
DALAWA sa mga tinitingalang institusyon sa TV at pelikula ang magsasama para sa isang malaki at espesyal na anthology series na aabangan ngayong taon.
Handog ng GMA Network at Regal Entertainment, Inc. ang ‘Regal Studio Presents,’ na maghahatid ng mga bago at napapanahong TV specials kada linggo.
Para sa premiere episode ng nasabing proyekto, tampok ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa “That Thin Line Between.” Ito rin ang magsisilbing unang on-screen tambalan ng dalawa.
Sa kuwento, gaganap sina Ken at Sanya bilang magkapitbahay na accountant at online seller na mahilig magbangayan dahil magkaiba ang kanilang mga paniniwala at ugali.
Bukod dito, excited na rin ang mga fans sa iba pang offerings ng ‘Regal Studio Presents’ na pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso love teams tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos or ‘GabLil’ at sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng ‘Team Jolly.’
Huwag palalampasin ang mga nakakaantig na istorya na handog ng Regal Studio Presents sa two-part primetime premiere nito sa September 11 and 18 at 8:30PM, bago lumipat sa regular
Tuluyan na nga bang mahuhulog ang loob ni Amirah (Alice) kay Ismael (Dennis Trillo)? Patuloy na subaybayan ang Legal Wives sa bago nitong oras at 8PM, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.
The post GMA at Regal magsasanib-puwersa para sa biggest telemovie collaboration ng taon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: