Facebook

YES, YOU KEN!

Ni NICK NANGIT

NGAYONG pandemya, ating alamin kung paano naapektuhan ang ilan sa mga personalidad sa larangan ng aliwan. Isa diyan ay ang kaibigan nating si Kenneth Miles Sadsad.

Isa siyang aktor sa teatro na isinalang na sa gulang na siyam pa lamang. Gumanap siya sa maraming pagtatanghal ng Philippine Stagers Foundation (PSF) na isang non-stock non-profit na kumpanya ng teatro. Nakabase ito sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila.

Ating nakapanayam si Kenneth kamakailan lamang, at narito ang mismo o kaya’y isinaling tugon niya sa ating mga katanungan.

N: Ano ang nagtulak sa iyo na maging bahagi ng showbiz bago ang pandemya at bakit umalis ka na, pansamantala man o tuluyan?

K: “Noong ako ay nasa kolehiyo pa, napanood ko ang isang major production ng PSF tungkol kay Mahatma Ghandi. Talagang na-inspire ako sa grupong teatro na yun, kaya’t sumali ako sa taunang libreng summer workshop nila.

Totoo ring passionate ako sa aking ginagawa. Alam ko ba nakamit ko na ang aking layunin bilang isang artista, bilang isang aktor sa teatro. Marami na ring mga mag-aaral na napukaw ang damdamin, dahil sa aking kagalingan.

Umalis ako, kasi naramdaman kong napagsilbihan ko na ang theater industry. No awards, no recognitions, pero di mahalaga iyon. Ang mahalaga eh alam kong maraming kabataan ang na-inspire at natuto sa craft ko.”

N: Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?

K: “After I left theater, I felt that something was missing. And yun yung makatapos.

I was a self supporting student, and I realized na, kahit may edad at huli na ako, kaya ko pa rin bumalik at magsumikap na makatapos sa aking pag-aaral.

Finally, after 13 years sa college, nakatapos din ako. Kailangan lang talaga ng dedication and hardwork.

Kaya sa lahat ng hindi makatapos, kahit anong pagsubok pa yan, pera, oras, o ano man yan, basta focus on what you want.

Pray and work real hard for what you really want, and maa-achieve mo rin ito balang araw.”

Yan po ang chikahan namin ni Kenneth. Ang galing niya, noh?! Natapos din ni Kenneth ang kanyang kurso sa kolehiyo, at ngayo’y abala siya, kasama ang mga kaibigan niya, sa bagong negosyo. Yes, you Ken!

Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe Watch Like at Share lang ang Nickstradamus channel sa YouTube, lalo na ang LIVE nito tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Inaalay ko ang aking pagbabalik sa aking yumaong Dade nitong Hulyo 26, 2021 lamang, at kay Mame na pumanaw na rin noong 2018. Mahal na mahal namin kayo!

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!

The post YES, YOU KEN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
YES, YOU KEN! YES, YOU KEN! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.