Facebook

Operasyon kontra-sugal at droga!

BILANG na ang oras ng mga ilegalistang sangkot sa operasyon ng bawal na sugal at kalakalan ng droga sa Batangas at iba pang mga lalawigan sa CALABARZON area!

Ito ang mariing pagtiyak mismo ni PNP Region 4-A director, PBG Eliseo DC Cruz kahapon ng umaga sa isang pakikipanayam ng inyong lingkod sa pamamagitan ng cellular phone.

Sa isang di inaasahang tawag sa SIKRETA ng pinakamataas na pinuno ng kapulisan sa Timog Katagalugan, ay sinigurado ng heneral na wala itong sasantuhin sa mga salot na gambling con drug operators sa naturang rehiyon. Binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, ang CALABARZON AREA.

Maituturing naman na tagumpay pa din ang kampanya kontra.droga ng kapulisan sa ilalim ni General Cruz bilang pagtalima sa atas ni PNP Directoir General, Guillermo T. Eleazar na lupulin ang elementong kriminal sa nabanggit na rehiyon. Nakapokus din si General Cruz sa cleanliness at internal cleansing drive ni Eleazar.

Hiniling naman ng SIKRETA sa heneral na bigyang prioridad ng kapulisanl ang kampanya laban sa mga operator ng Small Town Lottery ( STL) con jueteng na ginagamit ang nasabing iligal na pasugal bilang prente sa pagbebenta ng droga partikular na ng shabu, hindi lamang sa sa ibat-ibang mga siyudad at bayan sa Batangas kundi maging sa kabuuan ng rehiyon.

Ayon sa heneral agaran nitong aaksyunan ang mga pinangalanang drug/gambling operator sa Tanauan City na sina alias Ms Jane na kilala din sa bansag na alias Nini ng Brgy. Boot, alias Ms. Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Brgy. Pantay na Matanda., at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat, pawang sa Tanauan City.

Target din sa ilulunsad na kampanya ni General Cruz sina aliasTano ng Brgy. Trapiche, alias Rodel ng Brgy. Sambat, alias Biskutso ng Brgy 7, alias Mayor Benir, Kon Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Konsehal Perez at alias Kon Burgos ng Poblacion.

Hindi rin paliligtasin ng heneral ang dati ay mga untouchable na drug pusher/ gambling maintainner ng Brgy. Bagbag na si alias Ocampo, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, pawang sa nasabi ding lungsod.

Kung hindi nagawa ng ibang PNP Regional Director na buwagin ang Tisoy-Idol, Flores gun for hire and kidnap group ay asahang maiiba at mababago ngayon.

Tiyak na maghahalo na ang balat sa tinalupan sa mga kuta nina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol na kapwa promotor din sa drug operation at jueteng sa bayan ng Padre Garcia na nasa ilalim ng liderato ni Mayora Celsa Braga-Rivera.

Nagpapatakbo din ng burikian o paihian ng produktong petrolyo sa Brgy. Bawi at Brgy. San Felipe kasosyo sina alias RR at alias Roy sila alias Kap Tisoy at alias Kap Idol. Sila din ang nag-ooperate ng saklang patay sa nasabing bayan. Walang itatangi ang kampanyang ilulunsad ni General Cruz kaya’t makatitiyak ang balana na ang dati ay di matinag na drug/gambling maintainner ng Lipa City ay di na rin makaliligtas.

Ang mga ito ay sina alias Ka Carling at ang engkargado nitong sina alias Maliwanag at Vie ng Brgy. Bulacnin, Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, at alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak.

Sina alias Lorenz naman ang kumikilos sa Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy at Topher Taba ng Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.

Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, ang operator ng STL bookies/ jueteng at financier ng kalakalan ng droga sa South at North District ng Lipa City.

Isang alias R. Estole naman na nakabase sa Brgy. Lodlod, ang komukontrol ng operasyon ng saklang patay sa may kabuuang 72 barangay ng nasabi ring lungsod.

Kaya ang mahigpit nating warning sa mga ilegalista, lumigpit na kayo, pagkat walang sasantuhin si Alias Pogi!

Ang mga ilegalistang dapat ding tutukan ng kapulisan ay sina Jun, Wally at Lito sa Sto Tomas City, alias Willy Bokbok, operator ng kalakalan ng droga at jueteng sa munisipalidad ng Nasugbu at Lian, alias Zalding Konti at alias Bedung ng bayan ng Taysan, Alias Roceo ng Ibaan, alias Kap Dimailig ng San Juan, alias Timmy na operator ng bentahan ng droga at jueteng sa mga bayan ng Mabini, Bauan at San Pascual.

Nanawagan din si RD Cruz sa ibat-ibang sektor ng lipunan na makipagtulungan sa PNP para mapabilis ang pagtugon ng mga ito laban sa mga kriminal na sangkot sa droga, sugal at iba pang uri ng kriminalidad.

Kung ano naman ang suporta natin kay PNP Chief, Guillermo T. Eleazar ay makaaasa naman si RD Cruz ng pagtataguyod natin sa kapulisan sa nasabing rehiyon.

Para naman makatulong tayo sa liderato ni Gen. Cruz ay tatalakayin din natin ang mga kalakaran ng sugal at droga sa lalawigan ng Laguna sa ilalim ng pamunuan ni P/Col. Serafin F. Petalio at Cavite na nasa mando ni P/Col. Marlon Santos.Abangan…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email:

The post Operasyon kontra-sugal at droga! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Operasyon kontra-sugal at droga! Operasyon kontra-sugal at droga! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.