Facebook

P42-B medical supplies “kinomisyon” ng komisyon at paulit-ulit na ibinenta sa DOH?

TIBA-TIBA sa komisyon sa P42-Bilyong pondo mula sa Department of Health (DOH), sa biniling overpriced medical supplies, saka muling ibinenta sa nasabing ahensiya.

Base sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, lumalabas na tatlong beses pinagkakitaan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) at ng Department of Health (DOH) ang multi-bilyong COVID-19 response funds.

Hindi nasagot nina DOH Secretary Francisco Duque III at dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao ang katanungan ng mga senador kung ibinenta ng PS-DBM ang medical supplies sa DOH, na binili rin mula sa P42-Bilyon ng health department.

Nabatid na binili ng PS-DBM ang 1.3 milyong piraso ng face shields sa halagang P120 bawat isa mula sa Philippine Blue Cross Biotech Corporation pero hindi masagot nina Lao at Duque kung ang perang ginamit ay mula sa P42-B pondo ng DOH na ipinasa sa PS-DBM.

Umabot halos sa 30 minutong paulit-ulit na pag-urirat ni Sen. Franklin Drilon si Duque ngunit hindi tumugon nang maayos ang kalihim ng kagawaran ng kalusugan.

MGA BINILING AMBULANSYA NG PAMAHALAAN OVERPRICED?
Kamakailan ibinunyag din ni Senador Panfilo Lacson na overpriced umano ng P1-M ang bawat unit ng ambulansya na binili ng pamahalaan.

Ayon kay lacson, sa ilaliim ng health facilities enhancement program o HFEP ng DOH ay binili sa halagang P2.5 milyon per unit ang mga ambulansya na may equipment. Pero makaraang itanong sa Local Government Units (LGU) na bumili ng kahalintulad na unit ng ambulansya, nagkakahalaga lamang ito ng P1.5 milyon.

Aminado si Lacson na nakagagalit na matuklasan na sobra ng isang milyon ang bawat unit ng biniling ambulansya dahil siya mismo ang nagpa-realign sa pondo upang mabigyan ng dagdag budget ang HFEP.

Lintek ng kurakotan ito!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post P42-B medical supplies “kinomisyon” ng komisyon at paulit-ulit na ibinenta sa DOH? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P42-B medical supplies “kinomisyon” ng komisyon at paulit-ulit na ibinenta sa DOH? P42-B medical supplies “kinomisyon” ng komisyon at paulit-ulit na ibinenta sa DOH? Reviewed by misfitgympal on Setyembre 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.