Facebook

Pagkain, damit at personal hygiene inihatid sa 29 seafarers naistranded sa karagatan ng China

MATAGUMPAY na naibahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pagkain, damit at hygiene (DFA) sa 29 Pinoy tripulante (seafarers) na naistranded sa karagatan ng Dongshan, sa Southeast, lalawigan ng Fujian sa China.

Ang naistranded na mga Pinoy seafarers ay sakay ng Chinese-flagged fishing vessels Han Rong 362, 366, at 369.

Ang mga packages na ibinahagi ng DFA sa 29 Pinoy ay naglalaman ng mga pagkain, mga damit at hygiene kits.

Matagumpay na naibigay ito dahil na rin sa tulong ng Philippine Consulates sa Xiamen, Guangzhou, Shanghai, at Office of Migrant Workers Affairs’ (DFA-OUMWA) China Desk.

“We operate as a team and we take complex tasks. It speaks volumes of what the DFA will go through to guarantee the safety and welfare of our seafarers. It is a testament to the dedication and mettle of the Foreign Service despite the challenging situations posed by the pandemic,” ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.

Patuloy na mino-monitor ng naturang tanggpan ang sitwasyon ng mga Pinoy seafarers naistraded sa nabanggit na karagatan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DFA sa kumpanya ng barko na nakabase sa Taiwan para sa pagpoproseso sa repatriation ng mga ito kapag naayos na aniya ang kaukulang suweldo na tatanggapin ng mga ito.

Bukod dito, sabi ni Arriola, nakikipag-ugnayan din sila sa Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Overseas Employment Administration at the Maritime Industry Authority hinggil dito.(Lordeth B. Bonilla)

The post Pagkain, damit at personal hygiene inihatid sa 29 seafarers naistranded sa karagatan ng China appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagkain, damit at personal hygiene inihatid sa 29 seafarers naistranded sa karagatan ng China Pagkain, damit at personal hygiene inihatid sa 29 seafarers naistranded sa karagatan ng China Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.