KULONG ang isang pintor nang lamasin ang dibdib ng katabing saleslady sa loob ng pampasaherong dyip sa Quezon City, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Bernadette Hermoso Siapco, 23 anyos, dalaga, ng Barangay Santa Monica, Quezon City.
Agad namang naaresto ang manyakol na pintor na si Ronald Berdos Suliva, 39, naninirahan sa Bagong Silang, Caloocan City.
Sa report ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), 6:30 ng gabi nang maganap ang pambabastos sa Sangandaan Quirino Highway, Brgy. Sangandaan.
Batay sa imbestigasyon ni Cpl. Shiela Grace Aquino ng Women’s and Children Protection Desk, habang nasa loob ng pampasaherong dyip, katabi ng suspek ang naidlip na biktima at nilamas ang dibdib nito.
Dahil dito, sumigaw ang biktima ng: “Ang bastos mo!” saka nagsumbong sa driver na agad namang nakahingi ng tulong sa mga tanod na sina Jarwin Jarapa at Marvin Velasquez ng Brgy. Sangandaan at nahuli ang lalaki.
The post Saleslady hinipuan sa dyip ng pintor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: