KORONADAL CITY – May ‘persons of interest’ nang tinututukan ang pulisya sa pagpatay sa isang human rights lawyer at vice chairman ng Union Peoples Lawyer of Mindanao (UPLM) na si Atty. Macababad.
Ito ang inihayag ni Police Colonel Jemuel Siason, provincial director ng South Cotabato, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Col. Siason, planado ang pagpatay kay Atty. Macababad ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin na pinaniniwalaang hired killers o kasapi ng armadong grupo.
Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya na may natanggap nang death threat ang abogado mula sa isang kliyente nito bago pa man nangyari ang pagpaslang sa kanya.
Sa ngayon, job related ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa abogado na nagtamo ng anim na tama ng bala sa kanyang katawan.
The post Pagpatay sa abogado sa Mindanao, job related appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: