Facebook

Panukalang 2022 budgets ng PDEA at DDB, inayudahan ni Bong Go

Nagpahayag ng pagsuporta si Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang 2022 budget ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Dangerous Drugs Board sa pagdinig ng Senate Committee on Finance.

“Alam n’yo naman po, full support kami ni Pangulong Duterte diyan sa mga ahensya ninyo. Hindi po magiging successful po ang kampanya laban sa droga kung ‘di po sa inyong tulong. At nakikita naman natin sa mga nakaraang linggo,” sabi ni Go, vice chair din ng Finance Committee.

“Congratulations sa inyong mga accomplishment- sa Zambales, sa Cavite. Napakalaking accomplishment po ‘yon. Nakita natin na nagtatrabaho talaga ang ating mga government workers,” idinagdag niya.

Sinabi ng senador na sadyang kailangan ng suporta sa pondo ng mga nasabing ahensiya para magampanan nang maayos ang kani-kanilang trabaho at misyon.

Idiiin ni Go ang mahalagang papel ng PDEA at DDB’s role anti-drug fight ng bansa.

“We have done so much since 2016, thanks to the tireless work of the PDEA and DDB and our law enforcement agencies but, I believe, that we can do so much more. Let us make sure that in the remaining days of this administration, we continue to build upon what we have already accomplished,” sabi ni Go.

Aniya, maraming paraan at dapat ay may iba-ibang mukha ang pagsugpo sa illegal drugs sa Pilipinas.

“We must remember that drug users are victims in need of physical, psychosocial, and spiritual help. They can still be productive members of our society, and we must endeavor to take care of them as we do any other Filipino,” iginiit ng senador.

At para palakasin ang kampanya laban sa illegal drugs, noong nagsisimula ang 18th Congress ay inihain ni Go ang Senate Bill No. 399 na mag-eestablisa ng drug abuse treatment at rehabilitation center sa bawat lalawigan.

“Napakadami na po nating mga rehabilitation centers na nagawa – Nueva Ecija, sa Bukidnon mismo ang aming Majority Floor Leader ay siya po ang nag-identify no’ng lugar dahil gusto rin nating tulungan ‘yung mga gustong magbagong-buhay na po.”

“Bigyan ho natin sila ng pagkakataon dahil biktima lang rin po sila ng droga. Sana po’y magamit itong mga rehabilitation centers na itinayo all over the country no’ng umpisa pa po ng administrasyon ni Pangulong Duterte,” ayon kay Go.

Idiniin na isa ring health issue ang drug problem, iginiit ni Go sa PDEA at DDB mahigpit na makipagtulungan sa DOH sa pag-develop at pag-iimplementa ng drug prevention and control policies, gayundin ng mga programa upang maging matagumpay ang gobyerno sa pagsugpo sa iligal na droga.

The post Panukalang 2022 budgets ng PDEA at DDB, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Panukalang 2022 budgets ng PDEA at DDB, inayudahan ni Bong Go Panukalang 2022 budgets ng PDEA at DDB, inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.