NAGSAMPA na ng Php 100 million Cyber Libel suit si Sen.Manny Pacquiao laban kay Pastor Apollo Quiboloy dahil umano sa paninirang puri at pagkakalat ng fakes news laban sa Pambansang Kamao.
Nagsampa ng kaso si Pacquiao sa Makati Prosecutors’ Office laban kay Quiboloy na kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinagkibit- balikat ni Quiboloy ang aksyong ito ni Pacquiao at sinabing paraan lamang ito ng People’s champ upang isulong lamang ang kanyang planong pagtakbo bilang pangulo sa darating na 2022 elections.
Kapansin-pansin kasi na bukod sa kanyang mga abogado,karay- karay din ng senador ang sangkaterbang miyembro ng mainstream media.
Malinaw naman dear readers na planado ang galaw na ito ni Pacquiao at ng kanyang mga pollitical handlers para makakuha ng simpatya ng publiko.
Sa panig naman ni Pastor Quiboloy,sinabi nito na handa niyang harapin ang reklamong ito laban sa kanya ng mambabatas.
Sa tingin natin,mukhang nakinig na naman si Pacquiao sa kanyang nga advicers sa ginawa nitong pagsasampa ng kaso sa halip na paghandaang mabuti ang kanyang gagawing campaign strategies para sa kanyang presidential bid.
Ofcourse naman,kung ako ang legal advicer ng senador,yan din ang ipapayo ko sa mamang boksingero.
Sayang naman ang talent fee nila plus media milage habang dinidinig ang kaso sa hukuman.
Ang napupuna lamang natin sa kampo ni Pacquiao,tila sinadyang itulak ng ilang paksyon sa Pacquiao camp palabas si Chavit Singson na kaibigang matalik ng mambabatas.
Ngayon ngang wala na si Manong Chavit sa tabi ni People’s champ,kahit palpak na advise ng kanyang mga self- made sulsoltant ay susundin ni Manny.
Going back sa kasong isinampa nito kay Quiboloy,wala itong magandang idudulot sa future ni Pacquiao sa pulitika.Ika nga,pumatol ito sa isang pain ng kampo ng mga Duterte.
Kung baga sa diskarte,nasukat na ng kalaban na mababaw pala ang pinanggagalingan istratihiya ng Team Pacquiao.
From the very start,lahat ng diskarte nito para makakuha ng atensyon at simpatya ng mga bobotante ay maitururing passe’ na o bulok na at nilulumot.
Kawawa naman si Pacquiao na sa tingin natin ay nagpapatianod na lang sa sulsol ng mga maling tao na nakapaligid sa kanya.
Wag sanang ang grupo ni Sen.Pimentel ang laging pinaniniwalaan nitong si Pacquiao.
Maramdaman sana ni Pacquiao na siya ay nagagamit nang hindi niya namamalayan.
Malalaman at mararamdaman naman ni Pacman ito.Kapag puro kamalasan at nega vibes ang dala ng mga ito,ibig sabihin,mabigat para sa kanya ang grupo ni Pimentel.
Sa parte ni Pastor Quiboloy,nagtatawanan lamang ito sa kasong isinampa ng boksingero.
Dahil from the start,alam na alam ng mga matitikas na lawyer ni Quiboloy na di ito magpo- prospher dahil nga public interest at di personal na pagkatao ang pinuna ni Pastor Quiboloy sa kanyang komentaryo.
Ngayon pa lang,kitang kita na kung gaano ka-disorganized ang isipan ni Pacquiao.
Di niya ma-identify what is right and what is wrong sa kanyang mga desisyon.
Wag naman sanang nakalog nga talaga ang utak nito sa bugbog na inabot sa pagboboksing.
Di na rin niya mapili ng tama ang mga nakapaligid sa kanyang mga tao na tunay na nagmamalasakit.
The lost of Chavit in Pacquiao’s side is a lethal blow sa kanyang mga ambisyon sa buhay.
Iba si Manong Chavit! At talagang kailangan nya si Manong sa kanyang tabi para siya gabayan at igiya sa mga tamang diskarte.
Not Koko ofcourse na mismong sarili niya ay di nito kayang i-manage!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Php100 Million Cyber Libel Suit vs Quiboloy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: