![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/01/balyador.jpg)
PORMAL nang inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Investigation (BI) na i-monitor ang galaw ng dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang. Kaugnay ito sa pagbili ng mga overpriced na medical supplies ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon sa DOJ, nagpalabas na ang Immigration ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Yang.
Maliban kay Yang, una nang isinailalim sa lookout bulletin sina Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao; Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong; at ang mga opisyal ng Pharmally na sina— Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Mohit Dargani, at Linconn Ong.
Samantala ayon kay Senate President Tito Sotto III, prerogative ng pangulo na hindi padaluhin ang mga myembro ng gabinete sa pagdinig ng Senado ukol sa pagbili ng pamahalaan ng hinihinalang overpriced na medical supplies.
Pero diin ni Sotto, hindi mapipigilan ang Senado na gampanan ang kanilang tungkulin na bantayan ang mga proyekto at paggastos ng gobyerno sa pera ng taumbayan.
Giit naman ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, maituturing na inciting to sedition kung pipigilan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang gabinete na dumalo sa Senate hearings.
Naniniwala si Gordon na kaya tutol si Pangulong Duterte na magpatuloy pa ang Senate investigation ay dahil madidiin ito sa pagkakasangkot ng kanyang dating economic adviser na si Michael Yang.
Malaki ang posibilidad para kay Gordon na dummy lang ang Pharmally Pharmaceutical Corporation at ang nasa likod nito ay si Yang na pinagkakitaan ang pandemic funds dahil malamang nagkaroon ng mga ghost deliveries.
Binanggit din ni Gordon na hindi siya takot sa banta ni Pangulong Duterte na pagkampanya laban sa kanya lalo’t wala pa naman syang idinedeklarang tatakbuhan sa 2022 elections.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Galaw ni Michael Yang pinamo-monitor ng DOJ sa NBI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: