Facebook

Publiko mag-ingat sa fake news sa papalapit na eleksyon – Sen. Go

NAGBABALA sa publiko si Senador Christopher “Bong” Go na huwag magpapabiktima sa mga naglipanang fake news bilang black propaganda habang papalapit ang eleksyon.

Sinabi ni Go na hindi na bago sa kanya ang pagpapakalat ng mga fake news laban sa kanya lalo na at papalapit na naman ang eleksyon pero aniya ay ipinauubaya na niya sa taumbayan ang paghusga.

Ayon kay Go, inaasahan na niya ang paninirang ginagawa ng mga nagsasamantala sa vulnerabilities ng mga kababayan na walang ibang hangad kundi ang manira para magpakalat ng puto at pagkakawatak-watak upang maisulong ang kanilang sariling agenda.

Binigyang-diin ni Go na asahan na ng publiko ang pagkalat ng mga litrato, haka-haka at iba pang tsismis mula sa mga kalaban na walang magandang maipagmamalaki kaya pilit na lang na nanghihila pababa ng mga kapwa.

Kaugnay nito, giit ni Go sa mga kababayan na maging vigilant at ugaliing mag-validate ng mga impormasyon dahil naglipana na naman ang mga nagkakalat ng black propaganda.

Dagdag pa ni Go na hindi na siya nagugulat sa mga naglalabasang paninira dahil istilo na ito ng maruming pulitika sa bansa pero riwala siyang hindi na maloloko ang mga Pilipino

Inihayag pa ni Go na maging ang kanyang pamilyang nananahimik sa probinsiya ay nadadamay na sa pagbabato sa kanya ng mga fake news.

“Pati pamilya ko dinadamay eh nananahimik lang sila sa probinsya. Baka lahat na ng problema sa mundo ay isisi niyo sa akin at lahat na ng tao ay gawin ninyong kamag-anak, kaibigan, o kakilala ko para lang may maniwala sa kwento ninyo,” diin ni Go.

Nanindigan si Go na sa kabila ng pagpapakalat ng mga fake news laban sa kanya ay tuloy ang kanyang serbisyo sa bayan dahil tanging hangad lang nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsilbi sa mga kababayang Pilipino.

Isa sa mga bagong ibinabatong fake news kay Go ang ipinatatayong mansyon sa Alabang na sinasabing sa kanya kung saan naghamon si Go na kapag napatunayang sa kanya ito ay handa niya itong ibigay.

“Hindi ko alam yang mga bahay ng mga mayayaman sa Ayala Alabang tapos sasabihin na may bahay ako dun. Nakakahiya naman sa tunay na may-ari ng bahay. Kung gusto ninyong ipilit na akin yan, sige, patunayan ninyo at inyo na yan!,” banggit ni Go. (Mylene Alfonso)

The post Publiko mag-ingat sa fake news sa papalapit na eleksyon – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Publiko mag-ingat sa fake news sa papalapit na eleksyon – Sen. Go Publiko mag-ingat sa fake news sa papalapit na eleksyon – Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.