Facebook

Sampung Pilipino, itinalang pinakamayaman sa bansa

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Alalahanin ninyo ang Diyos sapagkat Siya ang nagbibigay sa inyo ng kakayahang yumaman…” (Deuteronomio 8:18, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

SAMPU SA HIGIT SA ISANDAANG MILYONG PILIPINO, NAITALA NG FORBES MAGAZINE BILANG PINAKAMAYAMAN SA PILIPINAS NOONG 2020: Sampu sa higit sa 100 milyong Pilipino ang nakatala ngayon sa Forbes Magazine bilang siyang pinakamayayaman sa bansa, bunga ng mga negosyong kanilang pinapatakbo. Batay sa mga pinakahuling ulat ngayong umaga ng Huwebes, Setyembre 09, 2021, humigit-kumulang sa US $50 billion ang kabuuang halaga ng pinagsama-samang dagdag na yaman ng sampung ito.

Ayon din sa ulat, lahat ng sampung ito ay nagdagdag ng hindi bababa sa US $ 400 milyon hanggang US $1 bilyong kita noong 2020, kumpara sa kinita ng bawat is sa kanila noong 2019. Dahil sa karagdagang US $ 50 bilyon sa kaniya-kaniya nilang kabuuang yaman, hawak nila ngayon ang halos US $ 79 bilyon halaga ng pera, mga ari-arian at mga negosyo.

Ito ang sampung pinakamayayamang Pilipino noong 2020, batay sa tala ng Forbes Magazine: 1. mga anak ng yumaong Henry Sy ng SM Malls, US$ 16.6 bilyon; 2. dating Senador Manny Villar, US$ 6.7 bilyon; 3. Enrique Razon, US $ 5.8 bilyon; 4. mga anak ng yumaong John Gokongwei, US $ 4 bilyon; 5. Jaime Zobel de Ayala, US $ 3.3 bilyon.

6. mag-asawang Dennis Anthony at Maria Grace Uy, US $2.8 bilyon; 7. Tony Tan Caktiong, US $ 2,7 bilyon; 8. Andrew Tan, US $ 2.6 bilyon; 9. Ramon Ang, US $ 2.3 bilyon; at 10. ang mga anak ng yumaong Geoge Ty, US $ 2.2. bilyon. Lumilitaw na nagtagumpay ang mga negosyanteng ito laban sa mga limitasyon o restriksiyong dulot ng COVID 19 pandemic.

***

RETAIL SELLING, REAL ESTATE, AT INTERNET SERVICES ANG MGA NEGOSYONG NAGPASOK NG BILYON-BILYONG DOLYAR NA KITA NG MAYAYAMANG PILIPINO: Sa halip na maging matumal ang kanilang mga negosyo, lumakas lalo ang mga ito, at tumabo pa ng husto sa tubo ang kanilang mga produkto at serbisyo. Ang paglago ng mga negosyo at yaman ng bawat isa sa sampung ito ay nagpapatotoo na bagamat sumasailalim ang Pilipinas (at ang buong mundo) sa matitinding problema sa pagkakalakal bunga ng pandemya, lumago pa din ang kabuuan ng ekonomiya ng bansa ng halos 13%.

“Despite the ravages of COVID-19, the economy notched up double-digit growth in this year’s second quarter. Investor sentiment remained buoyant, fuelling a 13% rise in the benchmark stock index from a year ago,” dagdag din ng Forbes Magazine.

Ang taunang listahan ng sampung mga pinakamayayaman sa Pilipinas ay ibinabatay ng Forbes sa mga hawak nilang listahan ng mga shares of stock sa mga kompanya sa bansa o sa ibang panig ng mundo na kanilang pinamumunuan o pinapatakbo. Sa taong 2020, makikitang nasa number one spot pa din ang mga anak ni Henry Sy.

Ang kanilang mga negosyo ay nasa retail selling, sa pamamagitan ng kanilang SM Malls, bagamat nakapasok na din sila sa real estate sa pamamagitan ng kanilang SM Residences. Ang SM Malls ang may pinakamaraming sangay sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa abroad, partikular sa China. Si Manny Villar naman ay tumabo din ng kita sa retail selling at real estate development.

Samantala, si Enrique Razon Jr. naman ay nasa linya ng casino operation at shipping and port operations. Napakalaki niya ang kaniyang kita matapos niyang mabili mula sa mga Ayala ang Manila Water Company, isang water concessionaire sa Kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan. Ang magkakapatid naman ay naunang yumaman sa paggawa ng mga chicheria, pero ng lumaon ay nakapasok na din sila sa airline business (Cebu Pacific) at sa real estate development din.

***

DISIPLINA SA PAGHAHANAP-BUHAY, AT TAIMTIM NA PAGTAWAG SA DIYOS, BATAYAN NG PAGYAMAN: Si Jaime Zobel de Ayala ay nasa linya naman ng pagbabangko at real estate development. Sa kabilang dako, napabilang sa listahan sa kauna-unahang pagkakataon ang mag-asawang Dennis Anthony Uy at Maria Grace Uy, na ang negosyo ay pinangungunahan ng Coverge ICT Solutions. Ang natitira sa mga listahan ng mga pinakamayayaman ay dati ng kasama noong isang taon.

Matapos lumabas ang listahang ito para sa mga kinikilalang pinaka-mayayamang Pilipino noong 2020, maraming Pilipino ang nagtatanong: anong klaseng suwerte kaya ang dumapo sa mga taong ito at nagkaroon sila ng napakalalaking yaman.

Kung babasahin ang mga talambuhay o biography ng mga ito, pati na ang kanilang pagpapahayag sa publiko, makikita natin na binigyang-halaga nila ang disiplina sa pagtatrabaho sa anumang gawaing kanilang pinasok.

Naging malaking bahagi din, ayon sa kanila, ang kanilang matibay na pananampalataya sa Diyos, na hindi lamang nila kinikilala sa salita kundi higit sa mga gawa, partikular sa mga pagtulong sa kapwa, at pagsunod sa mg autos sa Banal na Kasulatan.

***

REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.

The post Sampung Pilipino, itinalang pinakamayaman sa bansa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sampung Pilipino, itinalang pinakamayaman sa bansa Sampung Pilipino, itinalang pinakamayaman sa bansa Reviewed by misfitgympal on Setyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.