
Patay ang isang pulis at sugatan ang kasama nito nang mauwi sa shootout ang drug buy-bust operation, Martes ng gabi sa Brgy. Salawag, Cavite.
Idineklarang dead-on-arrival sa Dasmariñas City Medical Center ang biktima na si Staff Sergeant Karl Marty Manzanilla, miyembro ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU).
Sugatan naman si Patrolman Ariel Maribojo na dinala rin sa nasabing ospital nang magtamo ng tama ng bala sa kamay.
Naaresto naman ang apat na drug suspects na sina Jesabel Cadag, alias Maylyn; Jemuel Pillar, John Marco at John Lloyd, kapwa may apelyidong Pacia.
Sa ulat, 9:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Snake road sa Barangay Salawag na kung saan target si Marlon Pacia.
Ayon sa report, nanlaban ang suspek na si Marlon at pinagbabaril sina Manzanilla at Maribojo nang makatunog na pulis ang kanyang katransaksyon na nauwi sa shootout.
Pinaghahanap naman ang dalawang kasama ni Pacia na sina Jun-Jun Javier, alias Juge at Jomarie Pacia na nagawang makatakas habang nagpapalitan ng putok.
The post Shootout sa Cavite: Parak patay, 1 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: