GENERAL SANTOS CITY- Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang lokal na kapulisan laban sa umano’y mastermind sa pagpatay sa isang babaeng car dealer at negosyante na si Freya Joy Cuevas noong December 2020.
Ito ay matapos lumabas ang warrant of arrest laban kay Ross Kim Garcia, piloto na anak diumano ng batikang abogado at board of director ng Development Bank of the Philippines na si Atty. Rogelio “Bic-Bic” Garcia.
Ayon kay Police Major Patrich Elma, hepe ng Police Station 2, noong nakaraang linggo pa lumabas ang naturang warrant of arrest kung saan agad na nagsagawa ng surveillance ang kapulisan kaugnay sa kinaroroonan ng suspek.
Batay sa imbestigasyon at sa salaysay ng mga kaanak ni Cuevas, bago ang pamamaslang ay nakatanggap na umano ito ng mga banta sa buhay mula kay Garcia.
Napag-alaman na asawa ng salarin ang umano’y business partner ni Cuevas na si Carissa.
Dagdag pa ng hepe, mayroon umanong record ang barangay at kapulisan sa pangha-haras diumano ni Garcia kay Cuevas bago pa man ang pamamaril.
“Ang motibo is, based sa affidavit nga na-file, naa may mga threats before si Freya, daghang mga threats. Before nahitabo ang pagpamusil, naa na silay blotter nga she was harrassed si Freya, after that, naay confrontation sa barangay,” wika ni Elma.
Nag-ugat raw ang gusot sa magkabilang panig dahil hindi na umuuwi si Carissa sa kanilang pamamahay dahilan at nagalit si Garcia.
“Ang tono didto gusto ni Ross Kim nga mouli na si Caressa ang iyahang wife kay nagapuyo sa house ni Freya,” dagdag pa ng hepe.
Magugunitang si Cuevas ay pinagbabaril ng riding in tandem sa madilim na bahagi ng New Society, Barangay Apopong nitong lungsod.
Sa ngayon, patuloy na mino-monitor ng kapulisan ang kinaroroonan ng salarin dahil hindi raw ito namamataan sa kanilang pamamahay nang kanilang i-surveillance.
The post Wanted: Anak ng batikang abogado utak sa car dealer slay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: