Matapos bastedin, pinasok sa bahay at tinangkang patayin ang 36-anyos na katulong ng masugid nitong manliligaw sa Alfonso, Cavite, Lunes ng gabi.
Putik-putik pa ang mga damit nang magpagulong-gulong upang makatakas ang salarin na si Mike Jade Sablayan, 30, dahil sa reklamo ni Christina Valenzuela, stay-in na katulong sa Brgy. Poblacion 1, Alfonso.
Sa ulat ni P/SMSgt. Dante Baje ng Alfonso Police Station, 11:20 ng gabi, nang pinasok ni Sablaya ang tinutuluyang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pag-akyat ng puno sa likurang bahagi ng bahay. Nakapasok ang salarin sa kuwarto ng huli.
Pero nagsisigaw si Valenzuela kaya tinangka siyang saksakin ni Sablayan subali’t daplis lamang ang tama, saka tumakas ang huli sa likurang bahagi ng bahay.
Anak ni mayor patay sa van
Nasawi ang anak ng mayor ng Lucban, Quezon, habang kritikal ang isa pa nitong kasamahan nang mabundol ng isang delivery van ang sinasakyan nilang mga motorsiklo sa nasabing munisipalidad.
Kinilala ng Lucban Police ang nasawi na si Guitahm Oli Salvacion Dator, 17-anyos, anak ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator.
Kritikal naman ang 20-anyos na binata at kaibigan ng biktima na si Sydney Mykel Ramos Saliendra, empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lucban.
Ayon sa police report, nasalpok ng Elf truck na minamaneho ni Brian Abana, 32, residente ng Candelaria, Quezon ang magkasunod na motorsiklo na minamaneho ng dalawa sa isang intersection sa loob ng town proper 9:50 ng gabi.
Base naman sa kuha ng CCTV, papatawid at nasa gitna na ng intersection ng Rizal Avenue at Racelis Avenue ang dalawa nang matumbok ang mga ito ng mabilis na paparating na trak.
Kapwa nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan sina Dator at Saliendra, at agad isinugod sa MMG Hospital Lucban subalit nasawi rin ang nauna makaraan ang halos tatlong oras na nilalapatan ng lunas.
Nananatili namang kritikal at walang malay ang huli dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo.
Samantala, naaresto ng mga pulis ang drayber ng trak at sasampahan ng kaukulang kaso.
The post Anak ni mayor patay sa van appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: