Matapos bastedin, pinasok sa bahay at tinangkang patayin ang 36-anyos na katulong ng masugid nitong manliligaw sa Alfonso, Cavite, Lunes ng gabi.
Putik-putik pa ang mga damit nang magpagulong-gulong upang makatakas ang salarin na si Mike Jade Sablayan, 30, dahil sa reklamo ni Christina Valenzuela, stay-in na katulong sa Brgy. Poblacion 1, Alfonso.
Sa ulat ni P/SMSgt. Dante Baje ng Alfonso Police Station, 11:20 ng gabi, nang pinasok ni Sablaya ang tinutuluyang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pag-akyat ng puno sa likurang bahagi ng bahay. Nakapasok ang salarin sa kuwarto ng huli.
Pero nagsisigaw si Valenzuela kaya tinangka siyang saksakin ni Sablayan subali’t daplis lamang ang tama, saka tumakas ang huli sa likurang bahagi ng bahay.
The post Kasambahay sinaksak ng binasted na suitor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: