Facebook

Fake engineer, timbog sa pekeng permit sa Pasig

Arestado ang 28-anyos na fake engineer ng mabuking sa pekeng permit ng local government unit sa entrapment operation sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang nadakip na si Keremiah Orallo y Miembros, nasa hustong gulang walang trabaho at nakatira sa No. 2-1 Westbank Road, Brgy., Maybunga.

Kinilala naman ang biktima na si Lriz Ann Lantan, 31 anyos ng Brgy. Sto. Tomas, Pasig.

Ayon kay P/Major Jose Luiz Aguirre chief ng intelligence, 6:25 ng gabi Setyembre 14 ng arestuhin nila ang suspek sa entrapment sa isang convenience store sa MH del Pilar kanto ng E. Angeles St. sa lungsod.

Nauna rito, sinabi ni Arugay na hiningan ng suspek na nagpakilalang engineer ang suspek sa biktima at hiningan ito ng P328,000 kapalit ng mabilisang proseso ng kanyang building permit sa Pasig City Local Government Unit (LGU).

Nagawa ng suspek ang kanyang pangako ngunit natuklasan ng biktima na peke ito at humihingi pa ng karagdagang bayad.

Dahil dito, humingi ng saklolo sa awtoridad si Lantan at ngagkaroon ng validation sa Engineering Department sa lungsod at nabatid na peke ang suspek at hindi nila ito empleyado.

Narekober sa suspek ang ginamit na marked money sa entrapment operation at nakatakda itong kasuhan ng Estafa o violation of ARTA.

The post Fake engineer, timbog sa pekeng permit sa Pasig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Fake engineer, timbog sa pekeng permit sa Pasig Fake engineer, timbog sa pekeng permit sa Pasig Reviewed by misfitgympal on Setyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.