Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang isang Abu Sayyaf member sa isinagawang operasyon sa Culiat, Quezon City.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang naaresto na si Albazir Abdulla y Hamski alyas Abu Saif.
Base sa impormasyong natanggap ng NBI-CTD, isang Abu Saif na sangkot sa 2001 Golden Harvest Plantation Kidnapping.
Natukoy naman ng victim-witness si Abu Saif sa CTD photo line-up na isa sa mga kidnappers at miyembro ng ASG.
Isinagawa ang serye ng casing and surveillance operations ng NBI-CTD sa coordination ng kanilang counterparts mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), upang nakakuha pa ng karagdahang mga impormasyon kung saan nalaman ang bahay ni Abu Saif.
Naaresto ang suspek sa Salam Compound, Brgy. Culiat, Quezon City.
Kasalukuyan nang nakakulong sa NBI Detention Facility ang suspek.
Ayon kay Distor, ang suspek ang pangalawang miyembro ng terrorist group ASG na naaresto ngayong taon.(Jocelyn Domenden)
The post Sayyaf arestado sa Quezon City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: