Facebook

Naka-10K na ang ‘P10K Ayuda’ ng BTS

ISANG nagpakilalang school head mula sa Tawi-Tawi ang nag-text sa akin at nananawagan sa pamahalaan partikular sa Department of Education:

“I’m one of the school heads of MBHTE Tawi2. There are many schools here in Tawi2 that have no school nurse because most of the school nurses are concentrated in schools in Bongao Central District. Some schools have 2 or more school nurses while most don’t have even one and also there are nurses who don’t have school assignments at the division office. Its only in Tawi2 that there are 2 division nurses. One is enough. Why should there be a need for one assigned at the admin office. Pls help us address this unfair practice of giving special assignment to health personnel to the disadvantage of some.”

Paging DepEd, pls onvestigate this. Action!

***

HALOS marindi na ang ating mga kababayan sa kaliwa’t kanan at walang habas na banatan ng mga kakandidato para sa 2022 eleksyon. Puro kuda at dada ang ginagawa ng mga ito sa ngayon para umingay ang kanya-kanyang kampo bago pa man ang filing ng certificate of candidacy ngayong October 1, labing apat na araw mula ngayon.

Aba’y sa halip na gawan ng paraan ang pagkakaroon ng mas epektibong anti-COVID response, nandyang magbatuhan pa ng mga baho ang ating mga opisyal ng bayan. Buti pa nga itong si dating Speaker Alan Peter Cayetano eh, solusyon sa mga problema ng bayan ang inaatupag at pinagkakaabalahan lalo na ang kapakanan ng mga iginupo ng COVID-19.

Halimbawa na rito ang kanyang programang Sampung Libong Pag-Asa. Akalain nyo, umaabot na pala sa 10,458 ang nakatanggap ng P10K ayuda mula kay Cayetano at sa kanyang mga kaalyadong BTS o ‘Balik Sa Tamang Serbisyo’. At nationwide po ito, mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang mga nakatanggap ng 10K ayuda para kahit paano’y makatulong at makaahon sa kanilang pagkakalugmok dahil sa pandemya.

Sa totoo lang napakalaking tulong sa ating mga kababayan ng P10K ayuda na ito batay sa mga success stories na ibinabahagi ng mga benepisyaryo. Kaya nga hindi natin lubos maisip kung bakit hindi inaaksyunan ng kongreso ang P10K Ayuda Bill nina Cayetano at kanyang mga kaalyado na noon pang Pebrero 2021 inihain sa kamara. Di ba dapat ito ang binibigyang prayoridad ng mga mambabatas lalo pa at medyo malayo-layo pa ang ating lalakbayin para makatawid sa pandemyang ito?Ni ang ating mga bakuna ay kulang para sa ating mga kababayan.

Sa totoo lang, hindi nga lang ang P10K ayuda ang binibigyan ng diin ni Cayetano eh. Kasabay kasi nito namimigay din sya at ang kanyang grupo ng P3,500 sa mga sari-sari store sa buong bansa naapektuhan din ng pandemya. Sa ngayon, 2,500 ng mga sari-sari stores ang nakinabang sa programang ito.

Pangunahing layunin ng P10K Ayuda na maiahon at hindi lamang maitawid sa kanilang lugmok na kalagayan ang ating mga kababayan dahil sa pandemyang COVID-19. Kabilang sa mga benepisyaryo ng P10K Ayuda ang ating mga kababayang nawalan ng trabaho at hanapbuhay, mga naluging malilit na negosyo, OFW’s at seamen, mga atleta at coaches ng ating sports community, entertainers at stand-up commedians, kawani ng food industry, Barangay Health Workers o BHW at iba pang sector ng lipunan.

Buti nalang at ‘di sumasabak sa kalakaran ng ibang kandidato itong si Cayetano. Kita nyo naman, kahit noong kasagsagan ng ECQ at MECQ, tuloy-tuloy parin sya sa pamimigay ng P10K ayuda at puhunan para sa mga sari-sari stores. Walang dudang humahanap siya ng solusyon at gumagawa ng paraan para maisalba ang buhay at kabuhayan ng Pilipino, samantalang ang iba dyan ay puro dada at puro politika lang ang ginagawa.

Mabuhay ka, President este Cong.Cayetano at ang BTS.

The post Naka-10K na ang ‘P10K Ayuda’ ng BTS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Naka-10K na ang ‘P10K Ayuda’ ng BTS Naka-10K na ang ‘P10K Ayuda’ ng BTS Reviewed by misfitgympal on Setyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.