NAPAKAHALAGA ng halalang 2022 sa pamilya Marcos upang magkaroon ng pangulo ng bansa na isang Marcos o pangalawang pangulo man lang.
Napakatagal nang panahon na hindi nakuha uki ng pamilya Marcos ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Polaragat na ‘yan!
Mula noong mapatalsik mula sa Malakanyang ang diktador na si Ferdinand Marcos noong Pebrero 1986 ay hindi na nakabalik sa Malakanyang ang pamilya Marcos.
Hindi tulad ng pamilya Macapagal at Aquino na parehong nagkaroon muli ng presidente sa kani-kanilang pamilya mula noong naging pangulo sina Diosdado Macapagal at Corazon Aquino.
Sa pamilya ng Macapagal, si Gloria Macapagal – Arroyo ang naging presidente noong 2001 hanggang 2010.
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III naman sa pamilya Aquino.
Noong 2016 ay hindi nanalong bise-presidente si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil tinalo siya ni dating Naga City Representative Maria Leonor “Leni” Robredo.
Pokaragat na ‘yan!
Nagprotesta si Marcos sa Korte Suprema, ngunit ibinasura ito ng huli dahil hindi natukoy at hindi napatunayan ni Marcos na nandaya si Robredo.
Pokaragat na ‘yan!
Sa eleksyong gaganapin sa susunod na taon, inaasahang tatakbo si Marcos o BBM.
Kahit hindi inaamin ni BBM o sinuman sa kanyang kampo, tatakbo si Marcos bilang pangulo o pangalawang pangulo ng bansa.
Malinaw ang mga aksyon at balitang lumalabas na kakampi ng pamilya Marcos ang pamilya Duterte dahil magkaibigan ang mga tatay nina BBM at Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaya, hindi lalabanan ni BBM si Mayor Sara Duterte – Carpio sa pagkapresidente.
Kaya, bise-presidente na lang ni Sara ang posibling hirit ni BBM .
Tutol ang pamilya Marcos kung si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang patatakbuhin ng administrasyong Duterte sa pagkapangulo ng bansa dahil hindi nila kursunadang maging pangulo ng Pilipinas ang beteranong alalay ni Duterte.
Kaya, lahat ginagawa ng kampo ni Marcos na maiayos ang tambalang Sara-BBM.
Gagawin ng kampo ni Marcos ang lahat upang matupad ang tambalang Sara-BBM dahil desperado ang naturamg kampo upang magkaroon ng posisyon si BBM sa 2022 hanggang 2028.
Pokaragat na ‘yan!
Obligado nang makabalik malapit sa Malakanyang ang pamilya Marcos, sa katauhan ni BBM dahil matanda si BBM.
The post Kampo ni Marcos, desperadong kumikilos para matupad ang tambalang Sara-BBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: