![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/09/bong-go-13.jpg)
INIHAIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 2398 na layong bigyan ng permanenteng allowance at benepisyo ang mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa panahon ng pagkakaroon ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Go na habang patuloy na kumakalat sa buong mundo ang COVID-19 at dumarami ang mga impeksyon at pagkamatay, umuusbong naman ang healthcare workers na nasa frontline na walang takot na hinaharap ang hamon laban sa virus.
“Millions of medical frontliners have faced the challenge of providing care for patients with COVID-19, while often ill-equipped and poorly prepared, risking their own lives to save the lives of others,” ayon kay Go.
Ang SBN 2398 o ang “Allowances and Benefits for Healthcare Workers Act of 2021” ay magbibigay ng mga benepisyo at allowance sa lahat ng healthcare workers na kabahagi sa health-related work sa health facilities sa gitna ng public health emergency na dulot ng COVID-19 pandemic.
Kinabibilangan ang healthcare workers ng medical, allied health professional, administrative and support personnel at mga empleyado, anoman ang kanilang employment status.
Sa ilalim ng panukalang batas, bibigyan ng fixed monthly COVID-19 special risk allowance ang health workers sa harap ng state of national emergency. Ito ay karagdagan sa hazard pay na ibinibigay sa kanila, sa ilalim ng Republic Act No. 7305 o “Magna Carta of Public Health Workers”.
Sakaling mag-exposed sa COVID-19 o sa iba pang work-related illness o disease, sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation ang kanilang medical expenses. Ang mga public at private healthcare personnel na mahahawahan ng COVID-19 sa kanilang trabaho ay mabibigyan din ng kompensasyon.
Ang mga nasabing benepisyo ay available na at may retroactive effect simula July 1, 2021 at libre sa buwis.
Ayon kay Go, nararapat lamang na ipakita ng pamahalaan ang pagtanaw ng utang na loob sa healthcare workers para na rin mapabuti ang kanilang pampinansiyang kalagayan.
“They should not be made to indefinitely bear the pressure of fighting a deadly virus without adequate compensation,” sabi ng senador
“Nararapat lamang na mabigyan sila ng dagdag na kompensasyon bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo. Kailanman ay hindi sila pababayaan ng gobyerno.”
“Ang ating mga medical frontliners ay ang mga sundalo sa gyerang ito. Sila ang tinuturing nating bayani sa laban kontra COVID-19,” ani Go.
The post PERMANENTENG ALLOWANCE, BENEPISYO SA HEALTHCARE WORKERS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: