NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,279 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Oktubre 24.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,312 na gumaling at 208 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.2% (60,957) ang aktibong kaso, 96.3% (2,654,173) na ang gumaling, at 1.52% (41,793) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 22, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na nai-test at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 5,279 bagong kaso; 7,312 gumaling; 208 patay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: