Facebook

40 minuto itatagal ng bawat botante sa pagboto

UMABOT sa 40 minuto para makaboto ang isang botante base sa isinagawang voting simulation ng Commission on Elections (Comelec) sa San Juan Elementary School noong Sabado, Oktubre 23.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang isinagawang simulation ay upang malaman ang proseso ng pagboto para sa May 2022 elections.

Kasama na rito kung gaano kabilis ang mga botante na mahanap ang kanilang mga polling precints.

Nilinaw naman ng Comelec na ang simulation ay hindi para masubukan kung gumagana ang mga vote counting machines o VCM.

Nauna nang sinabi ng Comelec na kailangang mapabilis ang proseso ng pagboto upang hindi magkumpulan ang mga botante sa loob ng polling precint bilang pagsunod na rin sa pagsunod sa health protocol sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19 .

Umabot naman sa 4,000 volunteers mula sa iba’t ibang barangay ng San Juan ang lumahok sa simulation. (Jocelyn Domenden)

The post 40 minuto itatagal ng bawat botante sa pagboto appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
40 minuto itatagal ng bawat botante sa pagboto 40 minuto itatagal ng bawat botante sa pagboto Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.