Facebook

Aljur binura na ang post sa ex-misis na si Kylie

Ni WALLY PERALTA

MATAPOS ang ilang araw na pagpistahan ang pinost ni Aljur Abrenica sa sariling social media account tungkol sa ‘breaking the silence’ post niya ay pinagpasyahan na ngayon ng aktor na tapusin na ito pagkatapos na burahin niya ang naturang post, at sinabing ‘di na muli pang magkokomento ng kanyang saloobin o anuman na may kaugnayan sa kanyang ‘breaking the silence’ post.

Ayon sa hunk actor, nagawa lang niya ang bagay na iyon dahil na rin sa naramdaman niyang kailangan na niyang gawin at feeling niya ay masyado na siyang naiipit sa isyu sa pagitan nilang mag-asawa.

At dagdag pa rito ay sinabi ni Aljur na minahal naman niya nang husto si Kylie at alang-alang na rin sa kanilang dalawang anak. Kaya kahit may kung anuman dinadalang hinanakit ni Aljur ay minabuti na rin niyang tapusin nang maaga ang kontrobersya sa kanyang pinost.

“She’s still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami. It was not my intention na maglabas ng ganung post pero naramdaman ko talaga na kailangan. Ang sa akin, I think nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.

“Baka kasi hindi ko na siya gustong i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at gano’n kaapektado ang mga tao dahil sinubaybayan niyo yung pagsasama namin ni Kylie,” say ng hunk actor.

Ngayon nangyari na ang ‘gulo’, bilang ama ng kanyang mga anak kay Kylie ay minarapat lang talaga na dapat ‘tumahimik’ na si Aljur at mag-move on lalo pa nga’t may kasunduan naman silang dalawa na may karapatan o malaya silang makipagrelasyon kaninuman na kanilang mamahalin.

***

IT pays to be loyal talaga at ito ang nangyayari ngayon sa showbiz karir ni Herlene ‘Hipon’ Budol sa Kapuso Network.

Matapos na mawala sa programa ni Willie Revillame na ‘Wowowin’ at tinamaan pa ng pandemya ang buong mundo ay tila bumaligtad ang mundo ni Herlene. Magkagayunpaman ay tuloy lang ang laban sa karir ng dalaga. Ngayon ay halos sunud-sunod ang kanyang mga project sa Kapuso Network, guestings sa mga show ng GMA7, tulad na lang sa ‘Bubble Gang’ na kapanabayan pa niya si Bea Alonzo, at may serye pa siyang ginawa, ang ‘Stories From The Heart: Never Say Goodbye’ kasama sina Jak Roberto, Klea Pineda at Lauren Young.

Bukod dito ay naging featured kamakailan lang ang kanyang life story sa “Magpakailanman” na siya pa rin ang gumanap sa istorya ng buhay niya.

Naging malaking pagsubok noon kay Herlene nang mawala sa show ni Kuya Wil ang mga alok sa kanya ng ibang network. May tsika nga na pina-a-audition siya bilang isa sa mga housemate ng bagong bukas na celebrity editon ng Pinoy Big Brother. Pero nanatili raw siyang Kapuso kahit wala siyang kontrata sa naturang network. Katwiran ni Herlene, sa GMA 7 siya nabigyan ng break at ginagantihan naman niya ito ng loyalty. Pakiusap naman ni Herlene na sana ay bigyan na rin siya ng kontrata ng GMA Artist Center at isa ito sa wish niya para sa kanyang showbiz career.

The post Aljur binura na ang post sa ex-misis na si Kylie appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Aljur binura na ang post sa ex-misis na si Kylie Aljur binura na ang post sa ex-misis na si Kylie Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.