Facebook

Bossing Vic pinayuhan ang anak na si Oyo na ‘wag siyang gayahin para tumagal ang pagsasama kay Kristine ; Sunshine sinopla ang basher nang akusahan walang loyalty sa network

Ni JOVI LLOZA

SAAN ba raw talagang network si Sunshine Cruz matapos huling masilayan ang beauty nito sa Unang Umaga sa ABS-CBN?

Namahinga at eto’t after ng rest ay lipat naman ito sa GMA’-7 na bibida pa ito sa dalawang palabas, sa Wish Ko Lang at Stories Of The Heart, Love On Air.

Maloka-loka  naman ang netizens at kinukuwestyon ang loyalty nito kung saan ba daw talaga ito.

Lilipat nga raw sa kabilang himpilan, ang Kapuso ay ‘di pa tapos ang kontrata nito sa nasabing network.

Agad naman na sinopla ni Sunshine ang basher na nagsasabi na wala siyang loyalty sa network na nagbibigay sa kanya ng raket.

Ayon nga sa aktres, hindi nga raw iyon nakakontrata sa kahit saang network kaya malaya ito maglagare saan man gmay bigay na karaketan.

Sa edad nga nitong 44 ay nabibigyan at natatawagan pa ito para makaraket.

Big thanks naman si Sunshine sa mga network na Kapamilya, Kapuso at Kapatid na nabibigyan siya ng trabaho.

Paglalahad pa ni Sunshine sa kanyang socmed na kailangang mag-work para sa kanyang pamilya.

Kaya ‘di raw dapat kuwestyunin ang kanyang loyalty sa isang network dahil wala itong pinirmahan na exclusive contract.

***

KUNGDI nga raw sinunod ni Oyo Sotto ang payo ng kanyang amang si Vic Sotto noong ikinasal sila ni Kristine Hermosa, baka hiwalay na raw sila ngayon.

Natatawa na nga lang si Vic kapag nire-remind sa kanya ni Oyo Boy ang kanyang payo.

At dahil sa payo na ‘yun ay going stronger ang pagsasama nina Oyo at Kristine.

Kundi nga raw ay baka matulad sa mga naghihiwalay na couple diyan at buti na lang daw kamo ay masunurin  si Oyo.

Curious naman ang netizens kung ano nga bang payo ‘yun.

At never daw nalilimutan ni Oyo  ang payo ng ama.

Ang payo raw ng ama na ‘Huwag ko akong gagayahin’ na sinunod ni Oyo at naging successful dahil masaya sila ni Kristine kasama ang 5 kids nila.

Well, well, well…’Yun  na!

The post Bossing Vic pinayuhan ang anak na si Oyo na ‘wag siyang gayahin para tumagal ang pagsasama kay Kristine ; Sunshine sinopla ang basher nang akusahan walang loyalty sa network appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bossing Vic pinayuhan ang anak na si Oyo na ‘wag siyang gayahin para tumagal ang pagsasama kay Kristine ; Sunshine sinopla ang basher nang akusahan walang loyalty sa network Bossing Vic pinayuhan ang anak na si Oyo na ‘wag siyang gayahin para tumagal ang pagsasama kay Kristine ; Sunshine sinopla ang basher nang akusahan walang loyalty sa network Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.