SINOPLA ng “Eat Bulaga” host na si Joey De Leon ang nagpakalat ng fake news sa pagbawi anya niya ng suporta sa tambalang Ping Lacson-Tito Sotto sa eleksyon sa 2022.
“Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news! Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato,” sabi ni Joey.
“Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto. Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan? Dun sa mga “friends” ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!,” dagdag pa ni Joey sa post na naka-tag si @helenstito.
Pinalalabas ng nasabing pekeng balita na may ibang sinusuportahang kandidato ang komedyante-TV host.
Pero kung mapapansin ng netizens, obyus naman na edited ang larawan. Maging ang caption na idinakit sa larawan ni Joey ay kaduda-duda.
Pero may ilan na naniwala dahil ni-like, nag-comment at may nag-share pa.
Kilalang mahusay na gumamit ng mga pahiwatig si Joey na sobrang likot ng utak sa pag-iisip. Sinabi niya dati sa pagsuporta kina Ping at Tito na “too” good ang dalawa kapag nagsama, at ang “too” ay puwede ring “two.”
Ngayon naman sa PITOng presidente na binanggit niya, puwede ring maglarawan sa tambalang Ping at Tito na kapag pinagsama eh “PiTo.”
At dahil umaariba na ang tambalang PiTo, hindi nakapagtataka na marami pang fake news ang maglabasan para gibain ang dalawa na walang atrasan sa pagtakbong presidente at bise presidente ng bansa.(BKC)
The post Fake news lang daw… Joey de Leon dinenay na umatras sa Ping-Sotto tandem appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: