Facebook

Pagpapatuloy ng PMVICs, sampal sa Senado at dagok sa mga may-ari ng sasakyan

NAGSULPUTAN ang private motor vehicle inspection centers (PMVICs) sa maraming panig ng bansa hanggang sa kasalukuyan.

Kung si Senadora Mary Grace Poe ang tatanugin, hindi ito tama dahil ang operasyon ng PMVICs sa panahong sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis ay dagdag-pahirap sa mga may-ari at drayber ng sasakyan at ng mga panbgkaraniwang tao.

“Nagdudulot ng dobleng pasakit sa mga may-ari ng sasakyan, drayber at ordinaryong mamamayang pilit na bumabangon mula sa epekto ng pandemya”, bigwas ni Poe.

Naniniwala ako sa mambabatas.

Kinakatigan ko ang kanyang pananaw.

Nagdesisyon ang Senado ilang buwan na ang nakaraan na ipatigil ng Department of Transportation (DOTr), partikular ng Land Transportation Office (LTO), ang operasyon ng PMVICs dahil sa maraming kuwestyonableng usapin, lalo na ang napakalaking kitang kakabigin ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng PMVICs.

Aabot ‘yan sa P8 bilyon kada taon.

Napakalaki palang industriya ang PMVIC.

Yayaman nang husto ang mga may-ari ng PMVICs.

Pokaragat na ‘yan!

Matagal na ring natapos ang pagsisiyasat at imbestigayon ng Senado tungkol sa PMVICs, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapaglalabas ang DOTr ar LTO ng pag-aaral tungkol sa PMVICs na hiningi ng Senado.

Wala pa ring malinaw na bagong mga polisiyang hindi talo at hindi agrabyado ang mga may-ari at drayber ng mga sasakyan.

Masyado bang matigas ang ulo ng mga namumuno sa DOTr at LTO?

Pokaragat na ‘yan!

Inilinaw ng LTO na sinunod nito ang desisyon ng mga senador na isuspinde ang kautusang “mandatory” ang implementasyon ng PMVICs.

Ayon sa hepe ng LTO na si Assistant Secretary Edgardo Galvante, hindi naman tumigil ang operasyon ng PMVICs kahit nagalit ang ilang senador sa mga opisyal ng DOTr at LTO.

Ang naging desisyon ng LTO ay hindi na ginawang mandatory ang pagpapainspeksyon ng mga may-ari at drayber ng kanilang mga sasakyan sa PMVICs.

Sabi ni Galvante, nagpatuloy ang operasyon ng PMVICs alinsunod sa nakasaad sa Clean Air Act.

Ideneklara ng Clean Air Act na rekesito ang tinatawag na “road worthiness” ng mga sasakyan upang maging maayos at ligtas ang byahe ng mga motorista at ng mga nakasakay sa kanila.

Pokaragat na ‘yan!

Idiniin ni Galvante na malayang makapapamili ang mga may-ari at drayber ng mga sasakyan kung sa PMVIC o sa private emission testing center (PETC) sila magpapatingin ng road worthiness ng kanilang mga sasakyan.

Sa tono ng pananalita ni Galvante, obligado ang mga may-ari at drayber ng mga sasakyan na ipainspeksyon ang kanilang mga sasakyan sa isang PMVIC o PETC na piliin nila upang matukoy kung ang mga ito ay karapatdapat ibyahe o hindi.

Ito ay pagsunod sa Clean Air Act na siyang nararapat gawin ng mabuting mamamayang Filipino.

Sabi ni Poe: “Walang pagdududang lahat tayo ay nagnanais ng ligtas na pagbyahe, subalit dapat matiyak din ang mga maayos at makataong polisiya na hindi magiging dagdag pahirap sa ating mga kababayan”.

“Hindi dapat maging sword of Damocles sa taumbayan ang PMVICs na bara-bara na lamang papayagan [ng pamunuan ng mga ahensiya ng pamahalaan]”, patuloy ng mambabatas.

Kung pag-aaralang mabuti, lumilitaw na hindi sinunod ng DOTr at LTO ang desisyon at rekomindasyon ng Senado ukol sa isyu ng PMVICs.

Pokaragat na ‘yan!

Madalas nang mangyaring hindi tumutupad ang mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng bansa.

Hindi dapat magpatuloy ito hanggang matapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 30,2022.

Kailangang kagyat na kumilos ang mga senador hinggil sa pagbabalewala ng DOTr at LTO sa desisyon at rekomindasyon ng Senado ukol sa PMVICs

Kung hindi aaksyon ang mga senador, lalo na si Senadora Mary Grace Poe na siyang nanguna sa pagsisiyasat at pag-iimbestiga laban sa PMVICs, maaaring maituring na malaking palabas lamang ang naganap sa Senado laban sa DOTr, LTO at PMVICs.

Hindi lang palabas, maaari ding sabihing sampal sa mga senador, lalo kay Senadora Poe, at napakalaking dagok sa mga may-ari ng sasakyan ang patuloy na operasyon ng PMVICs.

The post Pagpapatuloy ng PMVICs, sampal sa Senado at dagok sa mga may-ari ng sasakyan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpapatuloy ng PMVICs, sampal sa Senado at dagok sa mga may-ari ng sasakyan Pagpapatuloy ng PMVICs, sampal sa Senado at dagok sa mga may-ari ng sasakyan Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.