BACOLOD CITY – Patuloy pa ang manhunt operations ng militar sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na nakasagupa ng mga sundalo sa Sitio Tiyos, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental kung saan dalawa ang patay at apat ang sugatan.
Hindi muna pinangalanan ang 2 nasawi sundalo habang ang 4 na sugatan dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.
Ayon kay B/Gen. Inocencio Pasaporte, commander ng 303rd Infantry Brigade, nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo na may presensya ng komunistang grupo sa lugar kaya’t nagresponde ang mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion, 3:45 ng hapon nitong Miyerkoles.
Dito na nagkasagupa ang mga sundalo at limang miyembro ng NPA at nagtagal ng ilang minuto ang bakbakan.
Anim na mga sundalo ang nasugatan sa engkwentro at ini-airlift na sila sa ospital sa Cebu.
Nang sumapit sa Cebu ayon kay Pasaporte, binawian ng buhay ang dalawang sundalo samantalang confined naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga sugatan.
Pagdating naman ng augmentation mula sa 79th Infantry Battalion, kanilang nakasagupa ang pitong mga miyembro ng NPA ngunit walang nasugatan sa tropa bago tumakas ang kalaban.
Inaalam naman sa ngayon kung ilan ang nasugatan sa mga rebelde dahil sa marka ng dugo na nakita sa kanilang dinaanan.
Narekober naman ng mga sundalo ang ilang backpack at mga kagamitan ng mge rebelde sa kanilang pinagkutaan.(Mark Obleada)
The post 2 sundalo patay, 4 sugatan sa sagupaan sa NegOc appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: