
Mainit na tinanggap ng mga residente sa Balanga, Bataan ang pagbisita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Miyerkoles, Nov.10
Una rito, nag-courtesy call muna ang presidential aspirant kasama ng kanyang Aksyon Demokratiko slate kay Bishop Ruperto C. Santos ng Diocese ng Balanga upang humingi ng basbas at gabay.
Kasunod ng courtesy call sa Obispo, binisita rin ng alkalde ang Bataan Provincial Capitol.
Kinilala naman ni Bataan Governor Albert ‘Abet’ Garcia, ang alkalde sa pagresponde nito sa pandemya dulot ng Covid-19.
“Siya po ang tumulong sa atin na mag-set-up ng ating cold chain facility kaya dumating agad ang supply ng bakuna dito sa Bataan. Tinulungan din po tayo ni Mayor Isko na makakuha ng mga gamot laban sa Covid-19,” pahayag ng gobernador.
Nangako naman si Domagoso na uunahin ang mga tao upang makarekober mula sa pandemya kung mananalo siya bilang pangulo.
Matapos nito, nakipagdayalogo si Domagoso sa mga fisherfolks sa Puerto Rivas Sitio Bernabe, Bataan kung saan nagsagawa ng fluvial parade ang mga mangingisda bilang pagpapakita ng suporta sa alkalde sa kanyang pagtakbo sa Presidential bid.
Nagbigay naman ng pag-asa ang alkalde sa mga mamayan para makaahon sa kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pagbawas ng 50 porsyento sa petrolyo at kuryente.
Sa pamamagitan nito, makakatipid na at marami nang mabibiling pagkain ang mga tao at maitawid ang mag Pilipino sa hirap.
“Buhay at kabuhayan, ‘yan ang aasahan n’yo sa dalawang taon sa pagrekober ng pandemyang ito…. uunahin natin ang pagrekober ng mga tao” sambit pa ni Domagoso.
Dinalaw din ng alkalde ang kanyang kinalakhang barangay Landing, Pilar Bataan kung saan siya natutong magsaka ng palay.
Kasama ni Domagoso sa kanyang pagbisita sa Bataan sina Vice Presidential aspirant Doc Willy Ong at kanyang senatorial slate na sina Carl Balita, Jopet Sison at Samira Gutoc.(Jocelyn Domenden)
The post Aksyon Demokratiko Pres. bid, mainit na sinalubong sa Bataan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: