Facebook

Bgy. chairman, niratrat-patay sa tapat ng tindahan

Patay ang isang barangay chairman at sugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan city, Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Gerardo Ragos Apostol, 56, Barangay Captain ng Barangay 143, Caloocan; at sugatan ang misis nitong si Evelyn Rager Apostol, 56, at pawang residente ng No. 55 Malolos Avenue, Barangay 143, Caloocan City.

Sa report, 6:12 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng Apostol Rice and Egg Store sa bahagi ng Malolos Avenue, Barangay 143, Caloocan City.

Ayon sa witness na si Emelda Decierra y Teiza, 68, biyuda, helper at resident of No. 55 Malolos Avenue, Barangay 143, Caloocan City, na habang nakaupo sa tapat ng kanilang tindahan ang mag-asawang Apostol, biglang lumitaw ang dalawang hindi nakilalang mga salarin lulan ng motorsiklo na kulay pink at biglang pinagbabaril ang mga biktima.

Bumaba pa ang isa sa salarin sa motorsiklo at muling binaril si Gerardo para siguruhing patay na ito.

Niyakap naman ni Evelyn ang kanyang Mister subali’t maging siya binaril sa kanang bukong-bukong.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi namalayang direksiyon habang isinugod naman sa MCU hospital si Evelyn upang malapatan ng kaukulang lunas.

Ayon sa executive officer ng barangay na si Alexander Dulce, wala sila makitang motibo sa likod ng pagpatay sa kanilang kapitan dahil wala silang kilalang kaaway nito.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng otoridad ang mga salarin at inaalam ang motibo ng krimen.(Beth Samson)

The post Bgy. chairman, niratrat-patay sa tapat ng tindahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. chairman, niratrat-patay sa tapat ng tindahan Bgy. chairman, niratrat-patay sa tapat ng tindahan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.