Facebook

BOC exec kinasuhan sa dinoktor na University diploma

Nagsampa ng mga kasong kriminal ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa umano’y paggamit ng mga pekeng dokumento at school records para makapasok sa ahensiya.

Kinilala ang suspek na si Carlos Joey See Reyes ng Davao City.

Nabatid na may anim na taon na umanong nagtatrabaho sa BOC ang suspek bago nadiskubre ang panloloko nito.

Sinabi ni NBI Special Action deputy head Mark Santiago na nagsinungaling si Reyes sa mga application document nito, at nagsumite ng mga huwad na dokumento nang ito’y mag-apply para sa regular na posisyon sa bureau noong taong 2015.

Si Reyes ay isang Customs officer 1 na nakatalaga sa Port of Davao mula nang kanyang employment noong 2015, nang madiskubre ng BOC Human Resource Department ang kanyang maling ginawa dahil nagsagawa ang department ng update ng employees service records at personal data sheet.

“Reyes knowingly submitted fake school records, diploma and transcript of records claiming he graduated with a degree of Business Administration in University of Mindanao,” saad sa NBI report.

Naglabas na rin ang University of Mindanao ng certification na nagsasabing si Reyes ay walang record of enrollment at “promotional reports na inihain ng registrar’s office.”

“It is established that Reyes with intent to perjure and falsify official documents, did then and there willfully, unlawfully, and feloniously committed perjury and falsity official documents.”

The post BOC exec kinasuhan sa dinoktor na University diploma appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BOC exec kinasuhan sa dinoktor na University diploma BOC exec kinasuhan sa dinoktor na University diploma Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.