Inaresto ang babaeng karnaper nitong Undas sa Muntinlupa City.
Kinilala ang akusado na si Glenda Panganiban, 34, na nakakulong ngayon sa Muntinlupa City.
Sa report ng Southern Police District (SPD), 8:00 ng gabi nang arestuhin si Panganiban sa kahabaan ng East Service Road, Barangay Alabang, Muntinlupa City nang pinagsanib puwersa ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) at District Intelligence Division (DID).
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Muntinlupa City RTC Presiding Judge Genre M. Gito dahil na rin sa kasong kinakaharap nito, paglabag sa RA 10883 “New Anti-Carnapping Act of 2016.
Hindi naman denitalye sa report ang ginawa nitong pangangarnap.
Nasa ₱180,000.00 ang nirekomindang piyansan ng korte para sa pansamantalang paglaya nito.(Gaynor Bonilla)
The post Babaeng karnaper timbog sa Munti appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: