HIGIT na pinaunlad ng Taguig City government ang vaccination at Covid-19 testing para sa mga Taguigenos upang maging maginhawa ang kanilang pagpunta sa ilang testing sites sa pamamagitan ng Trace website.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, nakasisiguro siya na ang pagpapa-schedule ng vaccination at testing online, mas mapapabilis ang kanilang serbisyo para sa mga Taguigenos kung saan nagtayo dito ng free testing sites na matatagpuan sa 31 Health Centers; dalawang Drive-thru testing sites sa lakeshore at BGC; Park N Test sa Vista mall Parking building; Taguig Mega Swabbing facility sa CP Tinga Elementary School at Mobile Testing truck.
Binigyang-diin din ng Alkalde na patuloy nilang pauunlarin ang Covid-19 operation services para na kaligtasan ng mamamayan ng nasabing lungsod.
‘We always make it a point to find ways to improve our services. Taguig is very keen on adapting to the new technology and making use of this in our programs. In Taguig, we make sure that our services can be accessed by all Taguigenos from different walks of life.” ani Cayetano
Nabatid na isa ang Taguig City sa mga leading Cities na nagsagawa ng maraming bilang ng Covid-19 testing sa buong National Capital Region (NCR) hanggang October 30, 2021 na umabot umano sa 221,347 RT-PCR tests mula sa 22.42 porsiyento ng local populations nito.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan na ang libreng Covid-19 testing ang lalong magpapabilis sa kaligtasan ng mamamayan para sa paglipat ng new normal sa buong Metro Manila.(Jojo Sadiwa)
The post VACCINATION AT COVID-19 TESTING, ‘ACCESSIBLE’ SA TRACE WEBSITE SA TAGUIG CITY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: