PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang COVID-19 vaccination efforts ng pamahalaan matapos pumalo sa higit isang milyon ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw o noong November 4.
“Welcome development na umabot na sa higit isang milyon ang ating daily vaccination rate. Sana ay tuloy tuloy nang ganito ang ating rollout sa susunod na mga araw hanggang marating ang herd immunity tungo sa susunod na taon,” ayon kay Go.
Ayon sa senador, resulta ito ng kooperasyon ng mga Filipino, malasakit sa isa’t isa, at pagsisikap ng ating gobyerno upang mabakunahan at maprotektahan ang lahat laban sa COVID-19.
As of Nov. 4, nakapagbakuna na ang gobyerno ng tinatayang 62.5 million. Ang mga nakatanggap ng first dose ay nasa 33.8 million habang 28.7 million ang fully vaccinated.
Sinabi ni Go na bumababa na ang bilang ng mga kaso sa Maynila pero huwag pa rin aniya dapat maging kumpiyansa.
“Kaya hinihikayat ko ang lahat ng mga Pilipino na magpabakuna na lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Nasa datos na kapag bakunado ka, mas maiiwasan ang severe na kaso ng COVID-19,” ani Go.
Inaasahang makatatanggap pa ang bansa ng karagdagang 50 million doses bago matapos ang taon. Kabilang dito ang 10 million mula sa COVAX Facility.
Samantala, muling umapela si Go sa lahat ng local government units na pabilisin ang vaccine rollout at gumawa ng mga paraan kung paano mahihimok ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na.
“Kapag mabakunahan na ang lahat ng eligible at maabot na natin ang herd immunity, tuluyan na ring bababa ang mga kaso ng nagkakasakit at mas mabilis tayong makakabalik sa normal na pamumuhay,” paliwanag ng senador.
“Habang pinoproteksyunan natin ang buhay ng mga Pilipino, sinisikap rin nating lutasin ang hirap at gutom na dulot ng pandemya. Kapag protektado ang komunidad gamit ang bakuna, mas makapagtatrabaho na rin ang mga tao at sisigla ang kabuhayan ng lahat,” dagdag niya.
The post BONG GO: VAX RATE PUMALO SA MILLION JABS SA ISANG ARAW appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: