Facebook

BONG GO: WALANG ORAS, MINUTO NA MASASAYANG SA AKING SERBISYO

“Mahal ko ang aking kapwa Pilipino, gusto ko pong magserbisyo sa kanila at pangako ko sa inyo, walang isang oras, walang minuto na masasayang, magseserbisyo ako sa inyong lahat!”

Ito ang ipinangako ni Senator Christopher “Bong” Go na naghain noong Sabado ng kandidatura bilang standard-bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan sa May 2022 presidential elections.

Si Go ay personal na sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections main office sa Intramuros, Maynila.

“Wala na pong standard bearer ang ating administration. Sabi ko, I accepted the challenge. Kung kailangan ko pong mag step-up, alang-alang sa (administrasyon) at para lang po maipagpatuloy ‘yung pagbabagong inumpisahan ni Pangulong Duterte (ay gagawin ko),” sabi ni Go.

Ipinaliwanag ng presidential aspirant na kinakailangan niyang umangat ng posisyon para matiyak ang tuloy-tuloy na reporma at mga programa ng Duterte administration.

Nangako siya na magsisilbi upang maging tulay sa pagitan ng pamahalaan at sambayanang Filipino—partikular ng mahihirap, nawawalan ng pag-asa at walang malapitan—na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan at hinaing.

“Kailangan ko pong (umangat) para sa mga kapartido ko at sa sambayanang Pilipino, lalung-lalo na kay Pangulong Duterte. Kailangan ko pong bumangon para sa kanila. Kailangan kong ipaglaban (to) save the legacy, save the party, save the Filipino people. Ipagpapatuloy ko po ang pagbabago. Tuloy ang malasakit at tuloy ang serbisyo,” sabi ni Go.

Nagdesisyon si Go na tumakbong Pangulo matapos maghain si Davao City Mayor Sara Duterte na kandidatura sa vice presidency sa ilalim ng Lakas-CMD party.

“Mahal ko si Pangulong Duterte. Ayaw kong mayroong masaktan at sumama ang loob. Kung kailangan kong umiwas, ako po ay umiiwas alang-alang na lang kay Pangulong Duterte at sa sambayanang Pilipino,” paliwanag ni Go.

Nangako siya na puspusang magtatrabaho para ma-accomplish ang mga nalalabing plano ni Pangulong Duterte na magbebenepisyo sa sambayanang Filipino.

“The Filipino people should eventually be the winner in this election. While we head towards that, I have to consider the stand of my political party, led by President Duterte, which will both help us achieve our objectives,” sabi ni Go.

Idiniin ni Go na kanyang ipagpapatuloy ang krusada ng Pangulo laban sa illegal drugs, kriminalidad at katiwalian.

“Ang puwede ko pong mai-offer sa kanila, ang puwede ko lang mai-offer sa Pilipino, ‘yung sipag ko po at pagseserbisyo sa aking kapwa Pilipino. ‘Yung totoong malasakit po, ‘yun lang. Ayaw ko pong magmayabang sa inyo, ‘di ko na po kailangan magmayabang sa kapwa ko Pilipino,” patuloy ni Go.

“Hintayin niyo na lang po kung resulta lang po. Kung trabaho ang pag-uusapan, bagama’t tatlong taon lang po akong senador, pero iyong nakikita ko pong ginagawa ni Pangulong Duterte na sakripisyo para sa bayan, sino pong magpapatuloy? Iyon po ang ipagpapatuloy ko,” idiniin niya.

Samantala, sinabi ng PDP-Laban leadership na iniatras ni Senator Bato dela Rosa ang kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo sa ilalim ng PDP-Laban para bigyang daan ang kandidatura ni Senator Bong Go sa ilalim ng PDDS.

Ayon sa PDP-Laban, naghain ng kandidatura si Go sa ilalim ng PDDS dahil na rin sa leadership issue sa partido na hindi pa nareresolba ng COMELEC.

“Nevertheless, PDP-Laban and PDDS are united in carrying one team for both our national and local candidates.”

“The Alliance of PDP-Laban and PDDS is strong and will work tirelessly to push for continuity of President Rodrigo Duterte’s brand of leadership, which includes a tough stance against criminals, grafters, drug lords and terrorists, on the one hand, and a genuine concern for the masses, on the other,” anang kalatas nito.

Pinili ng PDP-PDDS Alliance si Senator Go para maging “manok” nito dahil sa mayamang karanasan ng senador sa public service na kanyang natutuhan kay Pangulong Duterte.

Si Go, ayon sa partido, ang akma para maipagpatuloy ang “Tapang at Malasakit” brand of leadership ni Pangulong Duterte.

Anang PDP-Laban-PDDS, si Go ang hinahanap ng “Pangkaraniwang Pinoy” dahil sa kanyang tunay na malasakit sa mahihirap at tanging kandidato na makapagpapatuloy ng “Build Build Build” program ng Duterte administration—kabilang na ang mass railways projects, airports, seaports, at iba pang infrastructure projects para sa komportableng pagbibiyahe ng masa.

The post BONG GO: WALANG ORAS, MINUTO NA MASASAYANG SA AKING SERBISYO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO: WALANG ORAS, MINUTO NA MASASAYANG SA AKING SERBISYO BONG GO: WALANG ORAS, MINUTO NA MASASAYANG SA AKING SERBISYO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.