Facebook

2022 budget cuts sa NTF-ELCAC, tinutulan ni Bong Go

TINIYAK ni Senator at Senate Committee on Finance vice chairman Christopher “Bong” Go na hinding-hindi niya susuportahan ang pagbabawasd sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict dahil na rin sa malaking papel o responsibilidad nito upang mawakasan ang insurhensiya sa bansa.

Muling idiniin ng presidential aspirant ang kanyang suporta sa NTF-ELCAC, sa pagsasabing ang momentum sa iba’t ibang programa at proyekto nito na nagsimula sa pagtugon sa tunay na ugat ng insurhensiya, kagaya ng kahirapan at social exclusion, ay hindi dapat mahinto, bagkus ay manatili.

“Hindi po ako pabor sa pagbawas ng budget ng NTF-ELCAC dahil masasayang lang ang nagawa ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bansa,” sabi ni Go.

“Ako ay lubos na naniniwala sa NTF-ELCAC at sa anti-insurgency campaign nito. Now is not the right time to make such a drastic move considering that the government’s campaign to end armed conflict is gaining momentum,” idiniin ng senador.

Noong 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 70 na lumikha sa NTF-ELCAC. Ang kautusan ay nag-institutionalize rin ng diskarte sa pagkamit ng inklusibo at napananatiling kapayapaan at nag-utos sa pagpapatibay ng isang Pambansang Balangkas ng Kapayapaan para sa magkakatugma o magkakasabay na paghahatid ng mga serbisyo sa mga lugar na apektado ng tunggalian.

Upang tuluyang makamit ang mga layuning ito, nagbibigay ng tulong ang iba’t ibang ahensyang katuwang sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa pagtulong sa NTF-ELCAC, tulad ng Livelihood Settlement Grant ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development na nag-aalok ng tulong pinansyal sa mga dating rebelde upang tumulong at maging produktibong miyembro ng kanilang mga komunidad.

“Sa aking pag-iikot sa bansa, nasaksihan ko mismo kung paano nakatulong ang NTF-ELCAC sa ating mga kapatid na Pilipino na nais magbalik loob sa ating lipunan. Bukod dito, nakakatulong din ang programang ito sa pagpondo ng barangay development lalo na sa mga malalayong lugar, upang hikayatin ang ating mga kababayan na huwag mamundok,” ani Go.

Sa kanyang sariling kapasidad, nagpaabot ng tulong at suporta si Go sa daan-daang dating rebelde sa mga komunidad na apektado ng labanan sa Bohol, Bukidnon, Leyte Davao Oriental, Samar at Zamboanga del Sur, bukod sa iba pa. Ang mga benepisyaryo ay bahagi ng Barangay Development Program ng NTF-ELCAC at Retooled Community Support Program ng Department of Interior and Local Government.

Sa talang ito, pinagtibay ni Go ang pangako ng administrasyong Duterte na tulungan ang mga dating rebelde na gustong magsimula ng panibago.

Kaya umapela siya sa Senado na ibalik ang budget ng NTF-ELEC para matiyak na lahat ng nagbabalik na rebelde ay may suporta na kailangan nila para mapabuti ang kanilang buhay at maging produktibong miyembro ng mainstream society.

“Napakasakit mabalitaan sa mga pahayagan na nagkakapatayan ang Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Kaya naman nananawagan ako sa aking mga kasamahan sa Senado na kung maaari ay ibalik ang budget ng NTF-ELCAC para naman hindi masayang ang pinaghirapan ni Pangulong Duterte sa pagbigay sa atin ang ligtas at komportableng pamumuhay,” apela ng senador.

The post 2022 budget cuts sa NTF-ELCAC, tinutulan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2022 budget cuts sa NTF-ELCAC, tinutulan ni Bong Go 2022 budget cuts sa NTF-ELCAC, tinutulan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.