Facebook

Vaccination ang gamot, hindi face shields!

BASTA si Yorme Isko Moreno, focus lang siya sa trabaho niya sa Maynila, at pagbibida sa Bilis-Kilos at programang “Buhay at Kabuhayan.”

E, ano nga naman ang pakialam niya kung mag-substitute ang mga politiko sa kanilang kandidatura.

Basta ang Aksyon Demokratiko, kampante na, ayos lang at walang ikinababahala, di tulad ng ibang presidentiables.

Ganyan si Yorme Isko, trabaho lang, bilis-kilos lang para sa tao, para sa bayan, at kung kinakabahan ang iba riyan, sila ni Doc Willie Ong, panay lang ang ‘Listening Tour,’ walang tinag sa pagpapakita ng malasakit, pagkalinga sa tao.

***

In the lighter side of his younger days, aba, “Scott” pala ang palayaw ni Yorme Isko sa mga taga Brgy. Landing sa bayan ng Pilar, na binisita niya nitong Miyerkoles, at dati pala siyang trabahador sa bukid, kasama ang mga kababata at pinsan sa Bataan.

“Nagsipok ako (ng palay”), kuwento ni Yorme ay 75 pesos ang sahod niya isang araw, na mas malaki sa kita niya sa pamumulot ng basura sa Maynila.

Magaling din palang magbilyar si Yorme, sabi ng kababatang si Romeo Santos na inamin na dahil sa “ligawin” ng mga babae sa lugar, madalas niyang baldugin at batukan.

Tuwing bakasyon noong edad 11 at 15 anyos, nasa Landing si Yorme Isko sa mga lola at lolo niya sa nanay niya na doon nanirahan sa Pilar.

Sa tuwa ng mga ‘kababayan” ay binigyan siya ng resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Pilar bilang “anak ng Pilar” na labis na ipinagpasalamat ni Yorme Isko.

***

Yan ang gusto ng marami kay Isko, ‘yung ipaglaban ang panalo natin sa Hague ruling, at pangako niya, oras na nasa Malakanyang siya, palalakasin niya ang Phil. Navy at Coast Guard para hindi basta i-bully ang mga mangingisda natin sa West Philippine Sea, e sabi nga niya,”atin ang teritoryo sa WPS at dapat malaya na makapangisda tayo roon.”

Tungkol sa ibang claimants sa WPS, gagawa siya ng maayos at parehas na pakikipag-usap at itutuloy niya ang trade treaties at maayos na kalakalan sa ating katabing bansa.

Ang mahalaga, sabi niya ay proteksiyon at depensa sa ating teritoryo at coastlines, pero handa siya, at hindi siya papayag na baldogin at api-apihin ng kahit anong bansa.

Ganyan dapat ang presidente, hindi palasuko, kungdi palaban basta sa tama at makatwirang pagtatanggol sa ating soberanya at teritoryo.

***

Bawat bisitahing lugar ng “Listening Tour” ng Aksyon Demokratiko, dinudumog sila ng tao sa malaking tuwa at pagpapakita ng malakas na suporta.

Nasaksihan ito sa Central Visayas, at kahit wala si Yorme Isko, aba, star na star din si vice presidential candidate, cardiologist Doc Willie Ong, senatoriables Almira Gutoc, Dr. Carl Balita at dating Quezon City councilor Jopet Sison nang bumisita sila sa San Miguel, Bulacan.

Umani ng suporta sina Doc Willie sa plano na kaltasan ng 50 porsiyento ang excise tax sa petrolyong langis at koryente; natuwa ang mga residente kasi ibababa ng gobyernong Isko-Doc Ong ang malaking parte ng LGUs, ayon sa Mandanas ruling para mapondohan ang mga proyetong pambayan.

Tuturuan nila ng malaking tulong ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na bibigyan ng pautang na mababa ang interes, at suporta sa sektor ng agriculture at fisheries para sa food security at di tutulad ang Moreno-Ong administration sa ibang politiko na ang magagandang proyekto ng pinalitang gobyerno ay itinitigil, kasi, sabi nga ni Yorme Isko, dapat protektahan ang buwis ng taumbayan.

Gagawa sila ng sariling Build,Buil, Build program na kapartner ang pribadong sektor para hindi na gagastos ang gobyerno at ang matitipid na pera, ipagpapatayo ng maraming imbakan at bodega at cold storage facilities para sa aning produkto, at pagtatayo ng mga gusaling ospital, paaralan, at iba pang pasilidad para sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Matindi ang perwisyo ng COVID-19, kaya ito ang tutukan ni Doc Willie, sabi niya, io-overhaul nila ang PhilHealth, at palalakasin ang serbisyong medikal ng DOH.

Kung may matinong medical service program, hindi na mamomroblema kung magkasakit si nanay, si tatay o kung malubha ang sakit, wala nang iintindihin sa bayad sa operasyon, laboratory test at sa doctor’s fee, tunay na Universal Health program ang matitikman ng pamilyang Pilipino, sabi ni future VP Doc Willie.

***

Teka, may personal bang galit si spox Harry Roque kay Yorme Isko, kasi kinastigo niya si Isko pero hindi si Mayor Inday Sara, e kung masapak siya, hehehe.

Kasi, sa Davao, iniutos ni presidential daughter na OK na rin na walang suot na face shields sa publikong lugar.

Sabi ni DILG Sec. Eduardo Ano, may executive power si Yorme Isko ayon sa sec. 16 ng Local Government Code na gumawa ng policy para proteksiyonan ang taumbayan.

Na-realize yata ni Spox Roque na korek si Yorme kasi, kung tama siya, tinanggap niya ang hamon ni Isko na kontrahin siya ni Atty. Harry sa korte.

Parang mas alam pa ni Yorme ang batas kahit hindi siya abogado, ano dear readers?

Sabi Yorme, magkaiba ang control at supervision ng Presidente sa local chief executives, kasi, “Control and supervision are two different matters. Control is the power to reverse, supervise is the power to oversee if laws are correct and not contradictory to existing laws.”

Feeling ko, sang-ayon kay Yorme Isko si Tatay Digong na dating city mayor at abogado na siya, bilang pangulo, wala siyang control at may supervision lang sa mga local chief executives, ayon sa Local Government Code.

Kahit si MMDA chair Benhur Abalos na dating mayor at ang mga mayor sa Metro Manila ay pabor sa posisyon ni Yorme Isko.

Chain of command daw, hirit ni Atty. Roque, pero sabi ni Yorme Isko, ‘yung chain of command, e para sa militar at pulis, hindi sa LGU, kasi sila ay sibilyan.

Unfair sa tao na pagastusin sa walang kuwentang face shields, e ang talagang gamot sa COVID-19 e vaccination.

Hmmm, baka hindi pa nauubos ang order na face shields kaya ipinipilit ni Spox Harry.

At ito ang di ko rin maintindihan, goggles na mas mahal naman ang ipapalit daw sa face shields.

Naghihirap na nga ang mga tao, lalo pang pahihirapan, bwiset.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Vaccination ang gamot, hindi face shields! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Vaccination ang gamot, hindi face shields! Vaccination ang gamot, hindi face shields! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.