Facebook

Bongbong for prexy, Sara for Veep sa Lunes, Nov. 15

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo. Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba…” (1 Tesalonica 4:11-12, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

BONGBONG FOR PRESIDENT, SARA FOR VEEP, INAASAHANG MATUTULOY NA SA LUNES, NOBYEMBRE 15: Sa nalalapit na Nobyembre 15, 2021, ang huling araw upang magsumite ang mga nagnanais pa ring humabol bilang mga kandidato sa Halalan 2022 bagamat hindi sila nakapagsumite ng kanilang certificates of candidacy (COCs) noong Oktubre 08, 2021, matindi ang mga haka-hakang kumakalat sa bansa ngayon kung anong posisyon ang pinal na tatakbuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.

Sa pananaw ng mga abogado mula sa iba’t ibang grupo na nakausap ng Kakampi Mo Ang Batas noong umaga ng Biyernes, Nobyembre 12, 2021, maaaring maging kandidato si Sara bilang pangulo, pangalawang pangulo, o senador.

Ayon sa mga abogado, partikular yung mga namumuno ng Lawyers in the LIGHT, o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth, kung nais ni Sara na kumandidato bilang pangulo, magsu-substitute lamang siya sa mga indibiduwal o mga tao na nakapag-file ng kanilang COCs pero papayag mapalitan ni Sarah.

Sa tala ng Commission on Elections, halos 100 katao ang nagsumite noong Oktubre 08 ng kanilang COCs para tumakbong pangulo sa Halalan 2022, at halos 90 sa kanila ang walang mga partido. Sa mga taong ito, walang magiging balakid sa substitution ni Sara para sa sinuman sa kanila.

Idinidiin ng mga abogado na walang pagbabawal sa kasalukuyang batas sa halalan sa Pilipinas, o ang tinatawag na Omnibus Election Code, para sa substitution ng mga kandidato na walang partido.

-ooo-

SARA DUTERTE, PUWEDENG MAGING SUBSTITUTE CANDIDATE SA POSISYON NG PANGULO, BISE PRESIDENTE, O SENADOR: Wala ding itinatakdang mga kondisyones sa substitution ng mga taong ito, maliban sa sila ay mag-uurong ng kanilang kandidatura, at pagkatapos ay papalitan sila ng substitute candidates, tulad ni Sara, bilang kandidato sa anumang posisyon, o sa posisyon ng pangulo, tulad mulli ni Sara.

Ipinunto din ng mga abogado na ang mga pagpapalit o substitution na sakop ng Omnibus Election Code sa ngayon ay tumutukoy lamang sa mga kandidato na may partido.

Sa kabilang dako, pupuwede din naman na magsumite si Sara ng certificate of substitution bilang bise presidente, lalo na ngayon at siya ay nanumpa na bilang kasapi ng Lakas CMD, na pinamumunuan ng dating Pangulong Arroyo at pinamamahalaan nina Senador Bong Revilla at Leyte Rep. at Deputy House Speaker Martin Romualdez.

Bagamat walang kandidatong pangulo ang Lakas CMD, may kandidato naman ito sa pagka-pangalawang pangulo, na nagngangalang Lyn Fernandez Uy. Ayon sa mga Lakas CMD insiders, magsusumite si Lyn Fernandez Uy ng kaniyang withdrawal sa Lunes, Nobyembre 15, at, halos kasabay ng withdrawal niyang ito, magsusumite naman si Sara ng kaniyang certificate of substitution, bilang vice presidential candidate.

-ooo-

SARA DUTERTE, PUWEDENG MAGING SUBSTITUTE CANDIDATE SA POSISYON NG PANGULO, BISE PRESIDENTE, O SENADO: Sa harap ng lahat ng mga ito, lumilitaw na may katotohanan ang mga naunang naglabasan social media posts na nagsasabing napagkasundo ni Gloria ang kampo ng mga Marcos at mga Duterte, sa tambalang Marcos for president, Sara for vice president, noong isang linggo pa.

Magkakaroon ng tactical alliance ang Lakas CMD at ang Partido Federal ng Pilipinas, ang partidong nagsumite naman ng certificate of nomination para kay Senador Bongbong Marcos bilang PFP presidential candidate.

Ayon sa mga nagmamasid, ang tambalang Bongbong Sara ay magiging matindi at malakas na tambalan, dahil lumilitaw na tumutupad ito sa isang political strategy na matagal ng ginagamit ng mga tumatakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo.

Ang political strategy na ito ay nagsasabing kung ang kandidatong pangulo ay mula sa norte ng Pilipinas, kailangang ang kaniyang kandidatong pangalawang pangulo ay mula sa timog ng Pilipinas. Ganundin, kung ang kandidatong pangulo ay mula sa timog ng Pilipinas, kailangang ang kaniyang kandidatong bise presidente ay mula sa norte ng Pilipinas.

Ang pananaw kasi ng marami, balansiyado at mas maraming mahahatak na boto ang ganitong pagkaka-hati ng mga pinanggagalingan ng mga kandidato. Sa tambalang Bongbong-Sara, nakasama na din ang Visayas, dahil doon naman galing si Rep. Martin Romualdez, pinsang-buo ni Bongbong.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.

The post Bongbong for prexy, Sara for Veep sa Lunes, Nov. 15 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bongbong for prexy, Sara for Veep sa Lunes, Nov. 15 Bongbong for prexy, Sara for Veep sa Lunes, Nov. 15 Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.