Facebook

Magulong pamilya

HIGIT na mas magulo pa sa bulbol ang pamilya ni Rodrigo Duterte at wala sila pakialam na malantad ang kanila kabastusan sa madla. Inaasahan na magsusumite ng kandidatura si Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente laban sa kanyang anak na nagsabing biktima ng panggagahasa. Tatay laban sa anak.

Halos anim na taon na nagdusa ang taongbayan sa pasakit na binigay ng tila nababaliw na pangulo. Nabalot sa takot ang bansa sa walang habas na patayan sa bigong kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng kanyang pamamahala. Nalugmok ang ekonomiya ng bansa sa kaliwa’t kanan na utang na ginawa ng walang malinaw kung saan napunta ang pera.

Ipinamigay ang mga isla sa West Philippine Sea na sinikap maipanalo ng nakaraang administrasyon sa UNCLOS Permanent Arbitration Commission–taliwas sa pangako na sasakay ng Jetski upang ipaglaban ang mga ito. Binigay pa ang sisi sa mga “istupidong” naniwala sa kanya.

Dumaan sa maraming kalamidad ang bansa; lindol, pagputok ng bulkan, malalakas na bagyo, matinding pagbaha at pandemyal. Dahil tamad ay walang ginawa kundi sumakay ng kanyang pribadong eroplano, ikotan ang mga nasalanta at mag-selfie kasama si Bong Go, ang kanyang tapat na alila. Sa maikli, walang silbi.

Dahil punong puno ng kayabangan sa katawan ay sinikap pagtakpan ang kanyang kawalang silbi at puyatin ang mamayan sa lingguhang pagmumura at pang-aalipista at ipagmalaki ang pag-finger sa kasambahay. Pati “istupidong” Diyos at Santo Papa ay hindi pinaligtas.

Habang maraming mamamayan na tinamaan ng CoVid-19 “berus” ang naghihingalo ay ginamit ang kongreso sa pagpasa ng masansang na BAHO Law upang huthutan ang kaban at ipasakamay sa mga tulisan na myembro ng sindikatong Pharmally. Hindi pa nakuntento ay pinagsuot muna ang mamamayan ng faceshield bago pagnakawan.

Nalantad ang kawalang urbanidad sa pandaigdigang entablado nang dalhin sa Manila ang kanyang kagaspangan sa Davao. Hindi malaman kung ano ipinakain kay Rodrigo Duterte ni Xi Jin Ping upang halos lumuhod sa lider ng Tsina. Dahilan upang halos kamuhian siya ng mga lider ng maraming bansa. Wala na halos kumakausap sa kanya.

Ipinakulong si Senadora Leila de Lima sa base sa pinagtagpi- tagping testimonya ng mga nahatulang mga kriminal sa bilibid bilang ganti sa ginawang imbestigasyon ni de Lima sa patayang naganap sa mahabang panahon ng pamamayagpag sa politika ni Rodrigo Duterte sa Davao.

Sa likod ng kanyang pagbubunganga at pagtapang-tapangan ay hindi maikubli ang kanyang kaba sa sakdal na inihain ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa International Criminal Court. Batid niya na hindi biro ang kasong kinakaharap niya. Maging si Bato dela Rosa, ang arkitekto ng patayan ay pinagpapawisan ng malapot sa takot.

Marami pa mangyayari sa lunes, ang huling araw upang maging klaro kung sino ang magkakatunggali sa nalalapit na halalan. Hindi malaman kung ang pagharap ng anak laban sa tatay ay palabas lamang. Mahirap paniwaalan ang pamilya bulaan. Hindi katangap tanggap na magdusa ang buong bansa sa away ng magulong pamilya.

***

MGA PILING SALITA: First it was Sara-Digong, then it is Sara vs Digong. Ginagago ba tayo o nasisiraan na ng bait ang mag-ama? – Roly Eclevia, manunulat

If they can’t be honest with you now that they’re still candidates… what makes you think they’ll be honest with you when they grab a hold to that seat of power?

Seeing the TRUTH, hearing the TRUTH, and still believing the LIES is choosing to be STUPID!! Norman Naguit, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Magulong pamilya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magulong pamilya Magulong pamilya Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.