
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating spokesman General Dionardo Carlos bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año.
Papalitan ni Carlos si PNP chief Guillermo Eleazar na magreretiro sa Nobyembre 13.
Base sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Nobyembre 10, magiging epektibo ang panunungkulan ni Carlos sa Nobyembre 13.
Bago naging PNP chief, nagsilbing spokesman si Carlos at naging pinuno ng Highway Patrol Group.
ELEAZAR, SUPORTADO ANG PAGKAKATALAGA KAY GEN. CARLOS NA KANYANG KAPALIT
Samantala panawagan ngayon ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng myembro ng PNP na magkaisa na suportahan ang magiging susunod na PNP Chief na si PLt. Gen. Dionardo Carlos.
Ayon kay Eleazar taglay ni Carlos ang lahat ng kwalipikasyon para sa pinakamataas na posisyon sa PNP, at nakita ng pangulo sa kanya ang lahat ng “criteria” na hinahanap niya sa isang PNP chief.
Qualifed aniyang pamunuan ni Lt. Gen. Carlos ang PNP batay sa kanyang seniority, merit at personal competence.
Dagdag pa ni Eleazar na si Carlos ang naging instrumento ng pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.
Binati naman ni Eleazar si Carlos sa kanyang promosyon, kasabay ng pag-alok ng anumang maitutulong niya bilang dating hepe ng Pambansang Pulisya.
Si Eleazar ay bababa sa pwesto ngayong Biyernes, Nobyembre 12, isang araw na mas maaga sa kanyang mandatory retirement sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post GEN. DIONARDO CARLOS, BAGONG PNP CHIEF appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: