Facebook

Kaso ukol sa P2.6-B utang ng Now Telecom sa gobyerno pinareresolba ng OSG sa SC

INIHIRIT ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) na resolbahin na ang kasong kinasasangkutan ng isang telco hinggil sa P2.6 bilyon na atraso nito sa gobyerno.

Layon ng inihaing motion for early resolution ng OSG sa SC na ma-recover na ng pamahalaan ang hindi nabayarang Supervision and Regulation Fee (SRF) at Spectrum User Fees (SUFs) ng Now Telecom, kabilang ang accumulated fines at penalties na nabigong bayaran ng telco.

Giit ng OSG, ang halagang ito ay malaking bagay para magamit sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa mosyon, hiniling ng OSG sa SC na resolbahin na sa lalong madaling panahon ang kaso dahil ang bawat partidong sangkot ay nakapagsumite na naman ng kani-kanilang memoranda.

Ang P2.6-B na sinisingil ng gobyerno sa Now Telecom, na 85.32% ng mahigit sa P3 bilyon na “unresolved receivables” ng gobyerno, ay bahagi ng report ng state auditors mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2020.

Ang reiterative motion ay una nang isinampa ng OSG para sa maagang resolusyon sa Korte Suprema noong Pebrero 2019.

Una nang kinuwestiyon ng Next Mobile, Inc, dating pangalan ng Now Telecom Company, Inc., ang desisyon at resolusyon ng Court of Appeals noong 2009, na nagpapatibay sa letter-assessment ng telecommunications regulatory body na naghahangad na mabawi na ang P126 milyon na SRF at halos P9.7 milyon sa SUF, noong Disyembre 2005.

Nabatid na hanggang noong Disyembre 2020, umabot na ang unpaid obligation ng Now Telecom sa gobyerno sa P2,615,868,531.50, maliban sa penalties at fines.

The post Kaso ukol sa P2.6-B utang ng Now Telecom sa gobyerno pinareresolba ng OSG sa SC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kaso ukol sa P2.6-B utang ng Now Telecom sa gobyerno pinareresolba ng OSG sa SC Kaso ukol sa P2.6-B utang ng Now Telecom sa gobyerno pinareresolba ng OSG sa SC Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.